CHAPTER 48

36.1K 1.1K 157
                                    

⚠MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 48

Clayton’s Pov

"LORCAN," napakahina kong bulong.

"Answer me babe." muli niyang wika at pinaglapat ang labi niya sa isa't isa.

Babe pa rin siya nang babe kahit sa nangyayari ngayon. Basang basa kami pero heto kami parang hindi nilalamig.

"Mahal . . . mahal na mahal pa rin kita, Lorcan. Isa lang ang hindi nagbago mula noong nawala ka at iyon ay ang nararamdaman ko sa'yo. Sinubukan kong kalimutan ka. Sinubukan kong burahin ka sa isip at sa puso ko pero hindi talaga. Hindi ko k-kaya."

Umiling siya. "I don't understand babe. I don't understand why you pushed me away when you still love me." Naguguluhan niyang saad.

Gusto kong abutin ang mukha ni Lorcan at punasan ang luha sa pisngi niya. I also don't understand myself Lorcan. Gusto kitang balikan na hindi. Handa ba akong sumugal ulit? Handa ba akong sumubok ulit? 'Yan ang mga tanong ko sa sarili ko na ang hirap sagutin.

Hindi ko na nakikilala ang sarili kapag nandirito sa tabi ko si Lorcan. Parang may ginigising siyang kakaiba sa akin.

"Okay. . . .” Naputol ang pag-iisip ko nang bigla siyang magsalita nang hindi ako kumibo. He is also crying. Pinunasan niya ang luha niya. Guminhiwa siya ng malalim at tiningnan ako. Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Don't cry," aniya at dinala ang kamay niya sa basang-basa kong pisngi at pinunasan ang ako roon.

"Hindi na kita pipilitin. Hindi na kita pipilitin kung ganito man lang din ang mangyayari. Hindi kita pipilitin kong iiyak ka man din sa akin. Ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak, babe. Ayaw kong nakikita kang mahihirapan at nasasaktan dahil sa akin, C-clayton. You are my weakness and my strength. I will not force you anymore. So don't cry. I don't want to see you crying because of me." he spoke while caressing my face.

How I miss his hands. His hands on me.

"I will not make a promise to not to see you, Clayton because I will still see you— watch you whenever you are. I may be one of those creepy stalkers, but I don't care anymore. Just let me, okay? Soon . . . soon, I will try to f-forget you. I love you, babe. I love you so much."

Nararamdaman ko ang panginginig sa kamay niya habang pinapalandas niya ang kanyang magaspang na kamay sa mukha ko.

"Lorcan,"

"Maybe, what we have is toxic love? We poison it's each other. We hurt each other; we're hurting each other. Maybe, it's really right for us to stay away from each other. I love you, babe." wika niya at hinalikan ang noo ko at sunod na hinalikan ang palapulsuhan ko. "Nobody compares to you babe. No one will be," bulong niya at pinakawalan ang kamay ko. Tumayo siya.

"Tumayo ka na d'yan. Maligo ka at magbihis mag-aagahan muna tayo bago tayo umuwi. "

Hindi ako kumibo. Hindi ako makapagsalita. Is this really the end? Am I really letting this go? Handa na ba talaga akong mawala ulit siya sa akin? Sabi niya mahal niya ako. Paano kung makahanap siya ng iba tapos mahal ko pa rin siya? Kakayanin ko bang makita siyang may kasamang iba? Kakayanin ko bang may tinatawag na ibang mommy si Daniel? Hindi ko kaya iyon! Hindi ko kaya!

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now