CHAPTER 34

29.6K 1K 66
                                    

Chapter 34

Clayton's Pov

"MAMA," naiiyak kong tawag kay Mama. Niyakap ko si Mama na nakahiga sa hospital bed. Mahigpit ko itong niyakap. At doon ako humagulhol ulit ng iyak. Sa kabila ng nangyari sa araw na ito ay may mabuti rin akong narinig na balita at iyon ay ang paggising ni mama.

Hinagod ni mama ang likod ko na siyang nagpaiyak lalo sa akin. Kailan na kailan ko ang init ng yakap ni mama. Siya lang iyong taong alam kong hinding hindi ako kayang saktan.

"Ano ba 'yan, Clayton. Na gising na nga ako pero kung makaiyak ka ay parang namatay naman ako." Umalis ako sa pagkakayakap kay mama at tiningnan siya ng mabuti. Maayos na maayos na siya. Ang mama ko.

Ngumuso ako.

"Mama h'wag ka ngang magsalita ng ganyan. Alam  mo naman na ikaw  na lang ang taong meron ako." I sobbed.

Pinunasan ko ang aking luha at umupo sa silya na nasa tabi ni Mama Ellen. "Mama, maayos na po ba kayo? Wala na bang masakit sa inyo?" nag-aalalang tanong ko kay mama.

Ngumiti sa akin si mama at ginulo ang buhok ko. "Oo, maayos na ako. Kahapon pa nga ako nagising pero hindi ka pa siguro sinabihan ng nurse dahil bente-kuatro oras nila akong inobserbahan. Hindi raw kasi naging madali ang operasyon ko tapos sa ilang buwan lang ay nagising ako. Pero sabi nila maayos na ako at iyon rin naman ang nararamdaman ko anak. Maayos na ako. Kung ako nga ang pasasabihin gusto ko ng umuwi sa bahay. Namiss ko ang luto mo anak." Masayang saad ni mama. Pilit ko siyang sinuklian ng ngiti.

Naalala ko kasi na pinagluto ko si Lorcan kanina. Kung siguro hindi ako pumunta sa opisina niya. Kung siguro hindi ko siya pinagluto at hindi ako nagtagal doon siguro hindi ko malalaman ang lahat ng malaman ko ngayon. Siguro patuloy pa ring maglilihim sa akin si Lorcan at ako naman walang ka alam-alam. Patuloy nila akong lolokohin.

"Anak," pagpukaw sa akin ni mama napalalim ata ang pag-iisip ko.

"Ma? May sinasabi ka po?" tanong ko kay mama at ngumiti.

"Ang sabi ko, hindi mo ba kasama ang kaibigan mo na tumulong sa'yo. Iyong nagpautang sayo para sa operasyon ko?" Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni mama. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Naluluha na naman ako.

"A-ano 'ma nagmamadali kasi akong pumunta rito kaya hindi k-ko po siya nabalitaan. S-siguro bukas o sa ibang araw, 'ma. Busy rin kasi i-iyon." nauutal kong sagot.

"Ahh, sayang naman. Anong pangalan niya anak?" usisa niya.
"Ano 'ma," nag-isip ako ng ibang pangalan ayaw kong sabihin na si Lorcan pero hindi ata gumagana ng maayos ang utak ko ngayon. "L-lorcan po, Lorcan Lavoisier."

"Hmm, parang tunog mayaman talaga ang pangalan. Lalaki pala, may asawa't anak na ba iyan, Clayton?" tsika na pa ni Mama. Gustong-gusto kong sabihin kay Mama na h'wag naming pag-usapan ang lalaki pero ayaw ko naman na kung ano na naman ang maging tanong niya.

"Ah, oo po, l-lalaki po walang a-asawa pero may anak na."

Iyon ang huling pag-uusap namin ni mama. At naging tahimik kaming pareho. Siguro naramdaman ni mama na hindi ako komportableng pag-usapan ang lalaki. Yumuko ako. Sorry 'ma. Yan ang nais kong sabihin sa kanya ngayon pero hindi ko magawa.

Naiangat ko ang mata ko kay mama nang hawakan niya ang kamay ko. "Anak, may problema ka ba?"

Hinawakan ko rin ang kamay ni mama. "Wala, 'ma. Wala po." tanggi ko sa kanya.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora