CHAPTER 44

25.5K 957 107
                                    

Chapter 44

Clayton’s Pov

"PAPA, can I play with my friends?" tanong ng anak ko. Kakapasok lang nito sa kwarto ko habang nagtutupi ako ng damit ko rito sa kama. Ang tagal ko na kasing hindi nakakapagtupi ng damit ko. Nagsama na ang damit pambahay at damit panglakad ko. Hindi kasi ako komportableng pinapatupi ko sa ibang tao ang damit ko.

Tumingin ako sa kanya saglit. "Saan kayo maglalaro, baby?" sagot kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa kama at niyakap ako mula sa likuran ko. Naglalambing ang anak ko.

"D'yan lang sa basketball court, 'pa. Hindi naman po ako lalabas ng village dahil dito lang din naman po ang mga kalaro ko." aniya saka kiniskis ang mukha niya sa likod ko.

"Sige, basta wag mong kakalimutang umuwi kapag tanghalian na." bilin ko sa kanya.

"Yes!" Masaya niyang sambit at hinalikan ako sa pisngi ko. "Thank you, 'pa."

"Basta h'wag lalabas ng village at h'wag kakalimutan ang bilin ko," mahigpit kong bilin sa kanya. "Ipapahatid ba kita o gusto mong ako na ang maghatid sa inyo roon." Pahabol ko pa.

"No, pa, I'l let kuya Ronnie drive me there na lang, pa." Tumango ako sa kanya at hinalikan ang noo niya.

Napangiti ako habang tinitingnan ko ang anak ko, si Daniel na palabas ng silid ko. Hindi ko lang namalayan limang na taon na pala ang nakakalipas mula nung nawala si Lorcan. Unti-unti nang nagbibinata ang ang baby ko. Binalik ko ang pansin ko roon sa pagtutupi ko ng mga damit ko. Nahagip ng mata ko ang picture frame na maglalaman ng larawan ni Lorcan. Mapait ako napangiti. Kung nasaan ka man ngayon Lorcan sana'y masaya ka. Sana nakikita mo kung ano at saan na ako ngayon. Kung buhay ka lang siguro masasabi kong proud ka na siguro sa akin ngayon. May-ari na ako ng restaurant. Nakapatapos na ako ng dalawang kurso. Sana masaya ka kung saan ka man ngayon sa mga nakamit ko sa buhay.

Bumuntonghininga ako habang inaalala ko ang mga paghihirap ko simula nung nawala si Lorcan. Iyong mga pagkakataong nakakakita ako ng away, bumagsak ako sa subjects ko, iyong mga pagkakataong sinusubukan kong kunin ang buhay ko.

Pinalis ko ang luha ko.

Hanggang ngayon ay lumuluha pa rin ako kapag naalala ko si Lorcan pero hindi na kagaya noon. Oo, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon pero hindi na gaya ng dati. Hindi naman siguro ito nawawala lalo na kapag tunay mong mahal ang tao. Mahirap pero nakayanan ko. Naka-survive ako. Nawala si Lorcan pero hindi ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ang pagmamahal ko sa kanya.

Itong mga success ko ngayon ay utang ko ito kay Lorcan. Dahil ginawa ko siyang inspirasyon sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Naalala ko pa noon no'ng isang araw ay dumating ang abogado ni Lorcan dala ang last will ni Lorcan. Hindi ako makapaniwala na binilin ni Lorcan ang mansyon niya sa akin, iyong resort na pinatayo niya sa Batangas ay pinangalan at binilin pala niya iyon sa akin tapos iyong iba pa niyang mga assets.

Pero ang lahat ng iyon ay hindi ko ginalaw dahil gusto kong patunayan na kahit wala ang suporta at pera ni Lorcan ay kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Ilang beses pa nga akong pinagsabihan ni tita Hilda at tito Stevan na tanggapin ko ang mga binilin sa akin ni Lorcan pero ayaw ko. Ihahanda ko lang ang mga iyon para kay Daniel. Hindi naman kasi kami nakasal ni Lorcan at pakiramdam ko ay hindi dapat iyon. Hindi talaga. Pero iyon naman ang nakalagay sa last will ni Lorcan at nakatatak doon ang pirma saka ang thumbnail niya. Walang makaka-void no'n.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang