CHAPTER 24

39.8K 1.2K 319
                                    

Chapter 24

Clayton’s Pov

NAPANGITI ako nang magising ako at nakita kong tulog na tulog pa rin si Lorcan sa aking tabi. Napaunan ako sa dibdib niya at nakagapos ang kamay ko sa katawan niya. Hindi ko aakalain na darating ang araw na ito. Na magugustuhan din ako ni Lorcan. Kahit na gusto niya pa lang ako. Handa akong hintayin siya. Ngayon pa ba na gusto niya na ako. Wala mang kasiguraduhan na mamahalin niya ako hanggang sa dulo nito at least wala akong pagsisisihan kasi ginawa ko naman ang gusto ko. Alam ko na muntik ko nang isuko ang pagmamahal ko sa kanya pero ngayon na gusto niya ako may lakas na ako na ipaglaban ito.

Itinaas ko ang kamay ko at pinasadahan ang buhok niya gamit ang kamay ko. Gusto kong tumabling ngayon dahil sa sobrang galak na nararamdaman ko at sa kilig. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha tuwing naiisip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko pa man kilala g lubos si Lorcan pero handa akong kilalanin siya at tanggapin siya ng buo at walang tapon.

Sabay na gumalaw at umungol si Lorcan saka niyakap ako. Wala pa pa rin pala kaming saplot sa ilalim ng makapal na kumot. Jusko! Iyong pinagmamalaki ni Lorcan sa baba ay tumutusok na sa tiyan ko. Ako naman ay tinatayuan din. Ayst!

Napasimangot ako at tiningala si Lorcan na iniipit ako sa yakap niya. Sinubsob ko ang mukha ko sa malapad niyang dibdib.

"You are enjoying it, huh?"

"Oi!" sambit ko na parang nahuli na may ginawang kasalanan.

"Mararamdaman mo ba ako?" bulong niya sa akin na nagpapula sa mukha ko. "Wanna do something about it?" panunukso niya sa akin.

"L-lorcan naman gusto ko ring lumabas." halos pabulong kong saad.

"I promise. Hindi ka magpapass-out."

Sumimangot ako.

He laughed and greeted me. "Good afternoon," yumuko ito upang halkan ako ng malalim. Ako ay hinihingal pa sa ginawa namin halik. Buti at tinutuo niya iyong sinabi niya dahil naka isang round lang kami. Hindi ako masyadong pinagod at hindi nagpass-out.

"Hala! Hapon na pala!" gulat kong untas pagkatapos ng halik niya. Ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko ang oras!

"Yeah, you sleep so tight earlier, Perkin." Aniya saka ako pinitikan sa noo. Pagkatapos niya akong halikan at angkinin, ngayon naman pinipitikan!

Abusado porket alam niyang tiklop ako sa kanya.

"Naku naman si Daniel hindi ba ako hinahanap? Sina Colt hindi ba nila ako ninahanap?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"No, si Daniel ay nalibang sa dagat. Sina Colt naman nag-ienjoy rin dito. Once in a blue moon lang kami nakakalabas that's why," pahayag niya.

"A-alam ba nila kung bakit hindi . . . ." napansin ni Lorcan ang pag-aalinlangan ko.

"Trust me when I said that my friends don’t like sticking their nose on others business."

Napakagat ako sa loob ng bibig ko. "Kahit na nakakahiya." mahinang usal ko.

"You're shy because of what we have?" seryosong tanong niya.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon