CHAPTER 15

38.7K 1.3K 177
                                    

Chapter 15

Clayton’s Pov

MASAKIT ang balakang at inaantok pa ako pero pilit kong binangon ang katawan mula sa kama. Grabe si Lorcan sa akin kagabi may balak pa atang pagapangin ako ngayon. Hindi man lang niya naisip na may pasok pa ako ngayong araw. He's a beast and monster in bed.

"Ah, ah, ah" daing ko habang hawak-hawak ang bewang ko.  Mabagal na akong kumilos pero mas dumoble pa. Paika-ika akong pumasok sa banyo saka naligo. Nang matapos ako. Lumabas ako sa banyo nang nakatapis lang ang tuwalya sa bewang ko. Pumunta ako sa closet kung saan ang damit ko na hindi man lang nangangalahati sa laki ng closet na ito.

Kumuha agad ako ng underwear at uniform ko sa school. Basta ko na lang iyon tinapon  sa kama ko. Akmang tatanggalin ko na ang tuwalya sa bewang ko nang may marinig akong boses ng bata sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Lorcan.

"To whom this door is, uncle?" ani ng boses ng isang bata.

Mabilis kong inalis ang tuwalya at nagsuot ng underwears ko. Nang biglang bumukas ang pintuan. Niluwa no'n ang isang malusog at maputing bata na ang hula ko ay edad ay nasa apat na taon ang gulang

"Daniel!" rinig kong sigaw ni Lorcan saka sunod ding pumasok sa silid ko.

"Ohhh," parang gulat na sambit ng bata nang makita niya ako.

Tang*na hindi pa ako nakakasuot ng damit tanging brief lang at boxer ang suot ko ngayon. Sa gulat ko ay hindi ko magawang kunin ang uniform ko sa kama. Nakatutok lang ang mata ko sa bata sa harapan ko.

At ang bata naman ay manghang nakatingin sa akin, para pa nga siyang aliw na aliw sa akin.

Lumingon ang bata kay Lorcan.

"Uncle, who is he?" tanong ng bata kay Lorcan na nakasandal sa dingding at ang isang kamay ay nasa bulsa sa suot niyang jeans.

"Friend of mine, Daniel." blankong sagot ni Lorcan.

Ang bata ay parang walang narinig at tinakbo ang distansya namin.  Agad siyang sumampa sa kama at tumayo. Napatingin ako sa paa ng bata na nakaapak sa uniform ko. Sinundan ng bata ang tingin ko.

"Opps! Sorry," nakangiwing paumanhin niya.

Kinuha ko ang uniform ko at saka isinuot.

"Okay lang baby Daniel." Ani ko. Narinig ko kasi si Lorcan na tinawag ang malusog na batang ito na Daniel. Kinurot ko ang pisngi niya.

"Hehehehe!" hagikhik ni Daniel. "Ohhhh," manghang wika ni Daniel saka hinawakan ang tiyan ko. Pinipindut pa niya ang tiyang gamit ang index finger niya. "Why is it soft?" tanong ni Daniel na para bang ang laking misteryoso nang tiyan kong hindi matigas.

"Wala akong abs, Baby Daniel."

"Uncle come here." Mula sa pagkakasandal ay lumakad si Lorcan papalapit sa amin ni Daniel. Tumabi si Lorcan sa akin. Nang maabot siya ni Daniel si Lorcan ay walang ano-ano'y itinaas ni Daniel ang tshirt ni Lorcan.

"It's very hard." komento ni Daniel nang mahawakan niya ang matigas na tiyan ni Lorcan. Pabalik-balik ang tingin ni Daniel sa tiyan ko at sa tiyan ni Lorcan.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now