Chapter 14

2.8K 94 30
                                    

H E A V E N

Halos tumulo ang laway ko sa pagkamangha nang makita ko ang napakagarang gate at mas lalo kong ikinamangha nang kusa itong magbukas. Kahit na nalagpasan na namin ang magarang gate ay pinilit ko pa rin itong lingonin. Mas dinikit ko pa ang aking muka sa salamin ng pinto ng sasakyan para lamang masulyapan ko ang pagsasara nang kusa ng gate.

Nakangiti akong bumalik sa ayos ng aking pagkakaupo. Kung kanina ay namangha ako, mas namangha ako sa nakita ko ngayon.

"Ang ganda," tanging naiusal ko nang makita ko ang isang napakagarang palasyo sa aming harapan.

Hindi ko namalayan ang paghinto ng sasakyan dahil ang atensyon ko ay tanging nasa harap lamang. Huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Luci sa tabi ng iba pang magagarang sasakyan. Mas lalo akong namangha sa lugar na ito.

"Baba," utos niya sa akin saka binuksan ang pintuan ng kotse dahilan para muli kaming magkalapit. Muling kong nasilayan ng malapitan ang kaniyang muka at amoy na amoy ko ang pabango niya.

Pagkabukas niya ng pintuan ay agad siyang bumaba ng sasakyan kaya naman agad akong kumilos para sundan siya. Ngunit hindi ako makaalis dahil sa seatbelt na nakakabit sa akin.

Hinawakan ko ang seatbelt at sinubukan ko itong alisin ito pero masyado itong mahigpit.

"Sir Luci!" tawag ko sa kaniya ngunit mukang hindi niya ako narinig dahil nag-umpisa na itong maglakad papalayo sa sasakyan.

Halos maluha ako dahil maiiwan akong mag-isa rito at hindi ko alam ang lugar na ito.

"Sir Luci!" muli kong tawag sa kaniya at sa pagkakataong ito ay mas nilakasan ko ngunit hindi pa rin niya ako narinig.

"Miss, are you alright?" Agad akong napalingon sa taong nagsalita.

Isang makisig na lalaki. Nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt na pula at suot-suot niya ang kaniyang salamin na mas nagbigay ng atraksyon sa kaniyang kabuan.

"H-Hindi ko kasi ito maalis," ani ko at tinuro ang seatbelt.

"Oh, let me help. It's easy," nakangiting turan niya na siyang kinalitaw ng napakalalim niyang dimple.

Tumango ako sa kaniya bilang senyas na pinahihintulutan ko siyang alisin ang seatbelt.

Siguro ay walang isang minuto nang matanggal niya ito.

"Mara-" hindi ko napagpatuloy ang sasabihin ko nang biglang may magsalita mula sa likod ng lalaking tumulong sa akin.

"What are you doing?" sa malamig niyang boses ay alam kong si Sir Luci ito. Kunot-noo at seryoso siyang nakatingin sa lalaking tumulong sa akin.

"Si-" agad kong naitikom ang aking bibig nang tumingin sa akin si Sir Luci.

"I just helped her," simpleng sagot ng lalaki.

"Then why are you still here?" tanong ni Sir Luci habang ako ay palipat-lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa dahil hindi ko sila maintindihan.

"You're welcome," sarkastikong sagot nito kay Sir Luci. "Bye," nakangiting paalam nito sa akin bago tuluyang umalis.

"You," naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo sa aking katawan nang marinig ko ang awtoridad sa kaniyang tono.

"S-Sir?"  kinakabahang ani ko.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon