Chapter 11

2.9K 115 23
                                    

H E A V E N

Masayang tinitignan ni Myze ang mga bago niya uniporme at iba pang gamit niya para sa darating na pasukan.

"Salamat po, Sir Luci!" masayang wika ng aking kapatid sa aking boss.

Noong isang linggo ay ipinasok niya sa isang mamahaling paaralan ang aking kapatid. Tumanggi ako dahil masyadong mahal ang tuwisyon ngunit tumanggi si Sir Luci at sinabing siya na raw ang bahala. Kaya naman hindi na ako umalma pa.

"You're welcome," tanging sagot niya sa aking kapatid at bahagya pang ginulo ang buhok nito.

Nabaling ang atensyon ko nang marinig ko ang tunog ng takong na nagmumula sa hagdan. Nakita ko si Veron na maarteng bumababa ng hagdan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad umarko paatas ang kaniyang kaliwang kilay.

"What are you looking at?" masungit nitong tanong sa akin.

Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Lumapit na lamang ako sa aking kapatid.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay nasanay na ako sa ugali ni Veron. Siguro ay nasa ugali niya na ang pagiging masungit tulad ni Sir Luci.

Taas noo siyang naglakad papalapit kay Sir Luci at saka pumulupot dito na parang unggoy. Napangiwi naman ako dahil sa ginawa niya.

"Let's have a date," malambing na turan nito kay Sir Luci.

Kapag kami ang kaharap nito ay para itong lion na handa kang lapain ngunit kapag si Sir Luci naman ay tila isang kuting.

"I can't, I'm busy right now." Halos matawa ako dahil sa naging sagot ni Sir Luci.

Siguro ay pang-ilang beses niya nang inaya si Sir Luci para lumbas. Ngunit palagi siyang tinatanggihan nito.

"What?!" galit nitong tanong sa akin nang makita niya ang pagpipigil ko ng tawa.

Agad akong umayos ng tayo at nag-iwas nang tingin. Nahagip nang aking paningin ang ginawang pagkalas ni Sir Luci sa pagkakapulupot ni Veron.

"Argh!" naiinis na turan niya nang tuluyang umalis si Sir Luci.

"Ipasok mo na itong mga gamit mo sa kwarto, Myze." Utos ko sa aking kapatid na agad naman niyang sinunod.

Nang makaalis si Myze ay agad akong tinapunan ng masamang tingin ni Veron. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko.

Iritado siyang tinalikuran ako at naglakad palabas ng bahay. Kaya naman agad akong nakahinga ng maluwag.

"Heaven!"

Napalingon ako sa pintuan kung saan nanggaling ang boses. Masaya akong kumaway nang makita ko si Red at maraming hawak na libro. Paniguradong ito ang mga ibibigay niya sa akin para mahasa ako sa pagbabasa ng Ingles.

"Red!" Naglakad ako papalapit sa kaniya at masayang sinipat ang mga hawak niyang libro.

"Para sa akin ba ang mga ito?" namamanghang tanong ko.

Sunod-sunod ang pagtangong ginawa niya at ibinigay sa akin mga libro. Ang iba rito ay makakapal, ang iba naman ay katamtaman lamang.

"Where is Myze?"

Napalingon ako sa nagtanong. Nakapamulsang naglakad si Black papalapit sa amin.

"Nasa kwarto siya," sagot ko sa kaniya.

Tuwing pupunta ata siya rito ay si Myze ang bukang bibig niya.

Tumango siya sa akin at naglakad papunta sa kwarto. Nagkibit balikat na lamang ako at muling itinuon ang atensyon sa mga libro.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon