Chapter 5

4.2K 153 21
                                    

H E A V E N

Maaga akong nagising sa araw na ito. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil ngayon ang araw na pagpunta namin sa aking trabaho. Ala singko ng umaga nang magising ako. Kaya naman nagdesisyon akong magluto ng almusal. Tanging prinitong itlog, hotdog at sinangag lamang ang niluto ko dahil sa ayon lamang talaga ang alam kong lutuin. Naglinis na rin ako ng bahay para naman kahit papaano ay may nagawa ako para kay Teacher Aida.

Lumabas ako ng cr at nagpupunas pa ng buhok. Ala siete y medya na at kakatapos ko lang maligo. Napangiti ako nang makita ko ang kapatid kong mahimbing pa rin ang tulog. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa gilid ng kama.

"Myze, gising na," malambing kong wika at bahagyang tinapik ang kaniyang braso.

Ngunit hindi man lang ito gumalaw bagkus ay naghihilik pa. Hindi ko napigilan ang humagikhik.

"Myze, gising na. Aalis na tayo," ani ko at muling tinapik ang kaniyang braso ngunit sa pagkakataong ito ay bahagya kong nilakasan.

Ngumiti ako nang unti-unti siyang nagising at kinu-kusot pa ang kaniyang mata kaya naman kumalat ang mga muta niya. Bumangon siya sa pagkaka-higa at naupo.

"Magandang umaga, ate." inaantok pang bati niya sa akin.

"Bumangon ka na riyan at mag-almusal, saka ka maligo." Tumango siya sa akin at naglakad palabas ng kwarto.

Nag-ayos na ako ng aking sarili at inilabas ang damit na gagamitin ni Myze. Kung siya ang kukuha ay paniguradong magugulo ang mga gamit na inayos ko kagabi.

Isang maong na shorts at t-shirt ang inilabas ko para kay Myze. Pagkatapos kong ihanda ang mga susuotin ni Myze ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina para saluhan sa pagkain si Myze.

Inabutan kong kumakain si Myze kasama si Teacher Aida na mukang kakagising lang din.

"Pasensiya na po kung pinakialaman ko ang kusina niyo," ani ko kay Teacher Aida.

Baka kasi magalit siya dahil basta-basta na lamang akong nangialam ng mga gamit niya sa kusina.

"Nako, hayaan mo na, ayos lang naman. Salamat nga at nagluto ka, halika na at sabayan mo kami ng kapatid mo." Tumango ako at naupo sa tabi ni Myze.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nagalit si Teacher Aida.

Nagdasal muna kami bago nag-umpisang kumain. Habang kumakain ay bigla ko naalala ang unang beses kong pagsubok sa pagluluto. Muntikan kong masunog ang bahay namin noon dahil sa pagluluto ng itlog. Mabuti na lamang at naagapan ko ang apoy.

"Nga pala, gusto niyo bang ihatid ko kayo sa bago mong trabaho?" tanong sa akin ni Teacher Aida.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko. "Huwag po kayong mag-alala may susundo naman po sa amin," nakangiting wika ko.

Totoo namang may susundo sa amin. Ang sabi sa akin ni Kuya Red ay siya mismo ang susundo sa amin. Kaya naman hindi na ako namoblema sa gagamitin naming pamasahe.

Tanging tango na lamang ang naging sagot ni Teacher Aida at saka nagpatuloy sa pagkain.

"Ate, maliligo na po ako," paalam ni Myze na ngayon ay katatapos pa lang kumain ng agahan.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon