Chapter 13

3K 103 20
                                    

H E A V E N

Sinag ng araw ang gumising sa akin ng umagang iyon. Wala na sa tabi ko si Myze nang magmulat ang aking mga mata. Gaya ng dati kong nakagawian ay agad akong nag-asikaso para ngayong araw.

Paglabas ko ng kuwarto ay agad akong nagpunta sa silid kainan. Halos malaglag ang panga ko nang makitang nag-uumpisa na silang kumain. Habang may isang matandang babae na gumagawa ng gawain ko.

“You're awake. Have a sit and eat,” malamig na utos sa akin ni Sir Luci.

“Aba, Lucifer. Hindi ganiyan ang pagtrato sa isang magandang dilag,” pagsaway ng matandang babae sa kaniya.

Hindi siya pinansin ni Sir Luci at uminom na lamang ng kape.

Agad naman akong namula dahil sa pagtawag nitong maganda sa akin. Hindi ako sanay na may tumatawag o nagsasabi sa akin ng ganoong papuri.

Maupo ka na, hija. Sabayan mo na kaming kumain.” Nakangiti nitong turan at pinaghila pa ako ng upuan.

"Maraming salamat po," nahihiyang turan ko.

Naupo naman siya sa tabi ko at gaya ng dati ay nakaupo sa tabi ni Black si Myze at masayang kumakain. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad siyang ngumiti.

Nakahinga ako ng maluwag. Buong akala ko ay nagalit siya sa akin ng tuluyan.

"Ako na po," ani ko at kinuha ang plato na may laman na kanin.

Ngumiti naman ang matandang babae sa akin at pinagmasdan ako habang naglalagay ng kanin sa aking plato. Hindi ko maiwasan ang mailang dahil sa mga titig niya.

"Kay ganda pala ng kasintahan mo, Lucifer."

Nasamid si Sir Luci habang ako naman ay napayuko at paniguradong namumula ang mga pisngi.

"Hindi mo man lang pinakilala sa akin," tila nagtatampo dugtong pa niya.

Bahagya pang natawa sila Black at Red.

"Manang, she's not my girlfriend," agad na depensa nito.

Ako naman ay todo paypay sa aking muka gamit ang aking kanang kamay dahil ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi.

"Nako, nahiya ka pa sa akin." Umiiling na wika ni manang at saka ako tinignan.

"Inaaway ka ba ng nobyo mo, hija?" nakangiting tanong nito sa akin.

Agad naman akong umiling.

"H-Hindi ko po siya nobyo," nauutal kong depensa.

"Ang mga kabataan nga naman talaga ngayon. Huli na ayaw pang-umamin," umiiling na turan ni manang.

Agad namang natawa sila Red dahil sa tinuran ni manang, ako naman ay hindi ko maiwasang hindi mamula.

"Manang, stop it," puno ng awtoridad na turan ni Sir Luci.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon