Chapter 15

2.7K 87 25
                                    

H E A V E N

"O-Oh, I'm sorry for my act. I didn't mean that," tila kabadong turan nito. Isang ngiti na lamang ang naging ganti ko nang tumingin siya sa akin.

"I'm Dean Harrison," nakangiti nitong ani at inilahad pa ang kaniyang kamay sa akin.

Nang akmang aabotin ko na iyon ay hinawakan ni Sir Luci ang braso ko.

"We'll go now," walang ganang aniya at bigla na lamang tumalikod habang hawak-hawak niya pa rin ang braso ko.

Kaya ang nagong resulta ay hila-hila niya ako. Para akong bata na nagmaktol at ngayon ay hila-hila ng magulang.

Hindi ko napansin ang biglaang paghinto niya kaya naman sumubsob ang aking muka sa maskulado niyag likod.

"Aray," tanging daing ko. Tila bumangga ako sa pader dahil sa tigas ng kaniyang likod. Tanging paghaplos lamang sa aking ilong ang tangi kong nagawa.

"Tsk, get in." Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka ako tinalikuran.

Nakasimangot ko siyang pinagmasdan habang suwabeng naglalakad papunta sa kabilang bahagi ng kotse.

Napaka-suwabe ng mga kilos niya ngunit may kasama ito na pagiging seryoso. Hindi mo masasabing pangit tignan ang pagiging seryoso niya dahil ito mismo ang nagiging karisma niya idagdag mo pa ang pagiging masungit niya na akala mo ay araw-araw may dalaw.

Ngunit sa kabila ng kaniyang masungit at seryosong personalidad, makikita mo ang mabuting loob niya. Kung kikilalanin mo siya ay makikita mo iyon.

"Tutunga ka na lang?"  nakakunot-noo at masungit nitong tanong sa akin.

Dahil sa gulat ay dali-dali akong pumasok ng kotse at naupo. Binabawi ko na pala ang sinabi kong mabait siya.

"Lock the door."

Nababaliw na siguro itong si Sir Luci dahil bigla-bigla niya na lamang kinakausap ang kaniyang sarili. Sayang at napaka-guwapo at napakakisig pa naman niya kaso nga lang ay baliw.

Puno ako ng panghihinayang habang umiiling-iling dahil sa aking naisip.

"Are you deaf? Oh, fuck. You're a dumb not deaf. Isara mo ang pinto," gusto kong matawa dahil sa kung ano-anong pinagsasabi niya at mahahalata mo rin ang pagkainis sa kaniyang muka.

Sinunod ko na lamang siya at tahimik na tumingin sa labas ng bintana habang pinagtatawanan siya sa aking isipan.

Nagsimula ng umandar ang kotse pareho kaming tahimik at hindi naman bago iyon lalo na at tahimik na tao naman talaga si Sir Luci. Ako naman ay masaya na sa pagmamasid sa mga nadadaanan naming gusali. Wala man akong ideya kung  saan kami muling pupunta ay hindi na ako nag-alala pa.

Panigurado namang hindi ako pababayaan ni Sir Luci at isa pa sanay ako sa paglalakad ng malayo kung sakali mang iiwan niya ko ay kayang ko maglakad. Hindi pamilyar sa akin ang mga lugar na aming nadadaanan kaya naman mas namangha ako dahil may mga bagong lugar akong nakikita.

Huminto kami sa isang mall. Sanay na ako sa ganitong lugar  dahil ilang beses na akong naisama ni Red dito kung hindi si Red ang kasama ko ay sila Black at Myze. Dito rin kasi kami bumibili ng mga kailangan namin sa mansiyon at nalaman ko rin na marami palang mall akala ko noong una kaming pumunta ni Red ay iisa lamang ang mall. Ngunit nagkamali ako, hindi lamang pala ito isa o dalawa kundi daang mall ang makikita mo sa buong lugar.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon