Chapter 12

2.9K 104 31
                                    

H E A V E N

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang higpit ng tali sa aking katawan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay wala akong makita. Mukang nakapiring ako at may busal ang aking bibig. Sinubukan kong magpumiglas upang makawala sa pagkakatali ngunit napakahigpit nito. Napahinto ako nang marinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin.

"What should we do now?" rinig kong wika ng isang babae.

"I want to claim what's mine," sagot sa kaniya ng lalaki.

Umusbong ang kaba sa aking dibdib nang marinig ang papalapit na mga yabag sa akin. Gusto ko na lamang maiyak sa sitwasyon ko ngayon.

"Are you damn crazy?! You're digging your own grave for pete's sake! We both know that this isn't the right time!" Singhal ng babae sa kaniya.

Ngunit imbis na sumagot ay humalakhak na lamang ang lalaki. Nakaramdam ako ng kilabot ng maramdaman ko ang mainit na palad na humaplos sa aking pisngi.

"You're awake," malambing nitong turan.

Ang takot na kanina ko pa nararamdaman ay tila nawala nang kaniyang haplosin ang aking pisngi. Tila alam nito ang takot na nararamdaman ko sa kaniya at ang paghaplos sa aking pisngi ay isang senyales na ako ay ligtas sa kaniyang nga kamay. Kahit ako ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko, kanina lamang ay halos maiyak ako sa takot ngunit nang haplosin niya ako ay tila nawala lahat ng takot na iyon.

"Don't be afraid, I won't hurt you."

Unti-unti kong naramdaman ang pagkalma ng aking sistema. Siya ang nagdulot ng kaba sa akin at siya rin ang nag-alis nito at iyon ang hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking ito?

"I'll get you back, mark my words, darling."

Napalunok ako dahil sa kaniyang tinuran may kung anong kaba ang idinulot sa bawat diin ng kaniyang mga salita. Hindi ko man iyon maintindihan ngunit may kakaibang dulot ito sa aking sistema.

Habol-habol ko ang aking hininga nang bumangon ako mula sa aking pagkakahiga.

"You're awake." Agaran akong napalingon sa nagsalita.

Si Sir Luci ito. Nakapamulsa siya habang seryosong nakatingin sa akin. Luminga-linga ako sa paligid at napagtantong nasa kwarto ako sa mansiyon.

"Paano ako nakauwi?" wala sa sariling bulong ko.

I'll get you back, mark my words, darling.

Sunod-sunod na paglunok ang aking ginawa ng paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang mga salitang iyon. Ni hindi ko kilala ang taong nagsabi niyon ngunit iba ang naramdaman ko sa sinabi niya.

"How's your feeling?"

Nabaling ang atensyon ko sa seryosong si Sir Luci.

"Ayos naman po, pero paano ako nakauwi?  nagtatakang tanong ko.

"Nakita ka namin sa bahay na pinuntahan mo, walang malay mag-isa,"

Nakangusong kinamot ko ang aking kaliwalang kilay. Ibig sabihin ba niyon ay hindi totoo iyong lalaki? Pero bakit parang totoo iyon?

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon