Chapter 4

4.4K 159 19
                                    

H E A V E N

"Maraming salamat, Kuya Red!" nakangting wika ko.

Kumaway siya sa akin bago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse.

Pagkatapos namin kumain ay naglaro muna kami sa mall. Ang sabi ni Kuya Red ay Play Zone raw ang tawag doon. Ang bait-bait ni Kuya Red dahil binilan niya ng pagkain si Myze, noong una ay tumanggi ako dahil nakakahiya naman. Baka sabihin niya ay sobrang kapal naman ng muka ko. Pero tumanggi siya at bumili pa rin. At hinatid niya pa ako sa bahay kahit ang sabi ko ay huwag na.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay at inabutan ko si Myze na naglalaro lamang ng luma niyang laruan sa sala.

Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.

"Ate!" masaya niyang tawag sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at sinalubong siya ng yakap.

"May maganda akong balita sa iyo," nakangiting wika ko.

"Talaga, ate?! Ano po?" masayang tanong niya.

Ngumiti akong muli bago sumagot.

"Nakakuha ng trabaho si ate!" masaya kong wika.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at saka pumalakpak.

"Talaga, ate?! Yehey!" masayang wika niya.

"Bukas din ay lilipat tayo, heto pala. Pinabibigay ng kaibigan ng boss ko," nakangiti kong wika.

Ipinakita ko sa kaniya ang pagkain na binili ni Kuya Red kanina. Agad niyang itong kinuha sa akin at dali-daling binuksan.

"Oh, Heaven. Nandiyan ka na pala." Nabaling ang atensyon ko kay Teacher Aida na kalalabas pa lamang galing sa kusina.

Mukang nagluluto ito dahil nakasuot pa ng apron at may hawak pa na sandok. Tumayo ako at lumapit sa kaniya saka nagmano.

"Opo at nakahanap po ako ng trabaho!" masayang wika ko.

"Talaga? Aba ay magandang balita iyan," masayang aniya.

"Oo nga po 'e, mukang malaki ang makukuha kong sahod at mapag-aaral ko na po si Myze," nakangiting wika ko at sinulyapan ang aking kapatid na ngayon ay masayang kinakain ang pasalubong ko sa kaniya.

"Masaya ako para sa inyong magkapatid. Panigurado akong matutuwa ang mga magulang mo," nakangiting wika niya.

Ngumiti ko sa kaniya at saka tumango. Wala man sila rito para sabihin na masaya sila para sa akin ay nararamdaman ko naman. Alam kong nasa tabi ko sila at ginagabayan nila ako at si Myze sa lahat ng oras.

"Oh siya, tara na at nagluto ako." Nakangiting tumango ako kay Teacher Aida.

Lumapit ako kay Myze na abala sa pagkain.

"Myze, tara na sa kusina." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Hindi napigilan ang mga ngiti ko. Pinunasan ko ang pagkain sa gilid ng labi niya at saka siya tinulungan tumayo.

"Ang bigat mo na, ang dami mo kasing kumain," pagbibiro ko.

Tumingin siya sa akin at sumimangot na siyang ikinatawa ko. Pagkapasok namin sa kusina ay handa na ang pagkain. Kaya naman na upo na kami sa upuan bago magsimulang kumain ay nagdasal muna kami. Palaging tinu-turo sa amin ni Teacher Aida ang pagdadasal bago kumain at bago matulog.

Habang kumakain ay puro lamang kami kwentuhan at tawanan. At ikiniwento nila ang mga ginawa nila sa plaza. Ilang sandali lamang ay natapos na kaming kumain. Hindi na ako naka-kain ng marami dahil na rin sa pagkabusog ko sa mga kinain namin ni Kuya Red.

"Teacher Aida, ako na pong bahala rito. Magpahinga na po kayo," nakangiting wika ko.

"Sige, ako ay magpapahinga muna dahil nakakapagod ang araw na ito." Tumango lamang ako.

Pagkaalis ni Teacher Aida sa kusina ay sumunod si Myze na matutulog daw muna. Kaya tumataba ang batang iyon, puro kain at tulog na lang. Ipinagpatuloy ko ang kaninang ginagawa ni Teacher Aida.

Dahil sa konti lang naman ang mga lilinisin at huhugasan ay agad akong natapos. Lumabas ako ng kusina habang nagpupunas ng kamay sa aking damit. Tutal naman ay maliligo ako.

Nilinis ko ang sala dahil may mga duming naiwan dahil sa pagkain ni Myze. Pagkatapos ko ay pumasok ako sa loob ng kwarto.

Hindi ko napigilan ang matawa nang makita ko ang itsura ng kapatid ko habang natutulog. Nakanganga pa ito at nakataas ng bahagya ang kaniyang damit kaya naman nakita ang mataba niyang tiyan.

Ewan ko ba kung bakit naging ganito kataba ang kapatid kong ito kahit na halos wala kaming makain.

Hinaplos ko ang buhok niya bago ko siya tuluyang inayos. Kinuha ko ang bag naming nasa ibabaw ng lamesa. Kailangan kong ayosin ang mga gamit namin dahil maaga kaming aalis bukas.

Nakakahiya nga dahil susunduin pa raw kami ni Kuya Red pero tumanggi siya at nangulit kaya pumayag na lamang ako. Buti pa si Kuya Red mabait habang iyong dalawang manong napaka-sungit. Siguro pinaglihi sila sa sama ng loob kaya ganoon sila.

Buti na lang pala hindi ako pinaglihi ni mama sa sama ng loob.

Isa-isa kong inilabas ang mga damit para ayosin dahil nagmuka na itong ukay-ukay dahil sa paghahalungkat ni Myze. Habang nilalabas ko ang mga damit namin ay naagaw ng isang bagay ang atensyon ko.

Dahan-dahan ko itong kinuha at hinaplos. Ito ang larawan ni mama at papa ang tanging naiwan nilang alaala sa aming magkapatid. Maganda si mama, matangos ang ilong at morena. At nasisiguro kong sa kaniya ko namana ang ilong ko, ang kulay ng aking balat at ang buhok kong maalon. Samantalang si Myze ay kay papa nagmana, sa muka at sa ilong pa lamang ay mahahalata na. Ang tanging hindi niya namana kay papa ay ang kulay pula nitong mga mata.

Tanging kulay lang yata ng balat ang nakuha ni Myze kay mama.

Para sa akin ay ang mga mata ni papa ang may pinakamagandang kulay. Sana nga ay mata na lamang ni papa ang nakuha. Kaso ay ni isa wala akong nakuha sa kaniya.

Hinaplos ko ang larawan nila. Hindi ko man sila kasama ay makikita mong mahal nila ang isa't-isa. Sayang lang at hindi ko nalaman ang pangalan nila. Sa murang edad ko noon ay hindi ko magawang matandaan ang pangalan nila. Kaya naman kapag nagtatanong si Myze ay wala akong maisagot sa kaniya.

Bago sila mawala sa akin ay masaya pa nila akong nilalaro habang si Myze ay nasa braso ni mama at hinehele. Tandang-tanda ko pa kung paano ako kilitiin ni papa. Palagi niya pa akong hinahagis sa ere na siyang kinatutuwa ko naman.

Nakakalungkot lang at hindi naransan ni Myze iyon. Ni hindi niya nakita si mama at papa. Ang swerte ko pa rin pala dahil nayakap ko sila at nakasama kahit hindi ganoong katagalan. Nakasama ko sila sa pagkain at nayakap sa pagtulog.

Malungkot akong napatingin sa aking kapatid na mahimbing na natutulog.

Iyon ang hindi naranasan ni Myze. Kung nandito siguro sila panigurado akong masayang-masaya si Myze.

Nagbuntong-hininga ako at pinigilan ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. Ayokong maging mahina, kailangan kong maging malakas para kay Myze.

Ibinalik ko sa bag ang larawan nila mama at inayos na ang mga damit namin. Mukang kailangan kong pagsabihan si Myze na iwasan ang pagiging makulit. Baka mapagalitan siya nila manong, mukang masungit pa naman.

Pagkatapos ko magligpit ng mga damit ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Ayokong matulog na ganito ang ayos. Ang baho ko pa naman. Amoy araw at amoy pawis.

Agad akong naligo at nag-toothbrush. Nagsuot lamang ako ng isang t-shirt at maong na short. Pagkalabas ko ng cr ay natutulog pa rin si Myze at nakanganga pa rin. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay tumabi na ako kay Myze.

Ilang sandali akong tumitig sa kisame dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Dahil siguro maaga pa. Mukang ala siete pa lamang ng gabi. Napahawak ako sa suot kong kwintas.

Isa itong maliit na sungay, hindi ko alam kung anong klaseng sungay ba ito. Pero bigay ito sa aking ng isang anghel. Napangiti ako ng maalala ko siya.

Nagdasal ako bago tuluyang pumikit at unti-unti na akong hinila ng antok.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon