Chapter 6

4K 140 60
                                    

H E A V E N

Hanggang ngayon ay hindi ko mapigilan ang pagtawa ko dahil sa sinabi ni manong na may kulay abong buhok.

"Manong, ang galing mo po pala mag-joke!" natatawang turan ko.

Nakakunot-noo siyang tumingin sa akin habang salubong ang kaniyang mga kilay. Hindi naman kasi siya mukang boss ko 'e. Muka kasi siyang driver.

Mariin siyang napapikit at hinilot ang kaniyang sentido. Magsasalita pa sana siya ngunit hindi niya naituloy dahil biglang sumulpot ang nakangiting si Kuya Red.

"Hi!" masiglang bati niya sa amin.

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya at tinanguan naman siya ni manong. Tinignan ko si manong at sinimangutan.

"Manong, dapat magbigay galang ka kasi boss mo si Kuya Red," pangangaral kong wika kay manong.

"Ha? Heaven, hindi niya ako boss," natatawang wika ni Kuya Red.

"I'm the boss, stupid." nakakunot-noong ani ni manong.

"Ano raw?" bulong ko kay Kuya Red.

"Heaven, si Lucifer siya ang boss mo," wika ni Kuya Red.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan si manong. Nakangisi siyang nakatingin sa akin. Tila nawalan ako ng boses dahil sa sinabi ni Kuya Red.

"Waaahh! Sorry po, hindi ko po sinasadya! Bakit po kasi muka kayong driver?! Sorry po!" naiiyak kong ani habang nakatingin kay manong.

"Sorry, manong!" ani ko pa.

Nang tignan ko si manong ay nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Sunod-sunod ang paglunok ko nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Halos iilang pulgada na lamang ang layo ng aming muka.

"My name is Lucifer not manong," mariin niyang ani sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

"Luci po?" pagtatanong ko. Hindi ko kasi maintindihan si manong.

Magsasabi na lang ng pangalan kailangan sobrang lapit pa. Buti na lang hindi ako huminga kung hindi maamoy ko iyong hininga niya.

"Oh fuck," iritadong aniya.

Napansin ko naman ang pagtawa ni Kuya Red.

"It's Lucifer!" iritadong sigaw niya sa akin.

Halos mapatalon ko dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Bingi ba ito si manong este Lucifer at kailangan niya pa akong sigawan? Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya akong tinalikuran at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Nilingon ko naman si Kuya Red na nakatayo sa tabi ko.

"Ang sungit naman naman ni Sir Luci," ani ko kay Kuya Red.

Napakunot-noo siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Sino si Luci?" nagtatakang tanong niya.

"Edi si Sir Lucifer, mas bagay sa kaniya iyong Luci 'e." Simpleng sagot ko.

Natatawa namang tumango sa akin si Kuya Red.

"Kuya Red, ipapakilala pala kita sa kapatid ko," nakangiti kong wika.

"Really? Sige ba," aniya.

Agad kong inilibot ang aking paningin upang hanapin si Myze. Napakunot-noo ako dahil wala na sila ni Kuya Black sa sala.
Nakita ko si Myze naglalakad papasok sa pinto at may hawak-hawak na ice cream.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon