Chapter 10

3K 118 19
                                    

H E A V EN

Nag-inat ako nang matapos ko ang paglilinis nang umalis si Sir Luci kanina sa hapagkainan ay hindi na ito bumalik. Sila Black naman ay nasa sala kasama si Myze.

Kulang na kulang ako sa tulog kaya naman muka akong aswang na naglalakad papunta sa hardin. Kailangan kasing madiligan ang mga halaman ngayon dahil tirik na tirik ang araw. Panigurado ay dahil ito sa summer season. Pagkarating ko sa hardin ay malamya akong kumilos at kinuha ang hose at nagsimula ng magdilig.

"Ang gaganda niyo na," nakangiti kong pagkausap sa mga bulaklak.

Bata pa lamang ako ay mahilig na talaga ako sa bulaklak. Matapos kong magdilig ay nakangiti kong pinagmasdan ang mga bulaklak. Dahan-dahan akong tumingala upang pagmasdan ang magandang araw.

Para sa ibang tao buwan ang mas magandang titigan kaysa sa araw. Hindi nila alam na mas magandang pagmasdan ang araw. Para itong isang bituin na napakakinang. Kaya kahit nakakasilaw pagmasdan ang araw ay pinipilit kong makita ito.

"Tsk, the sun can damage your eyes."

Dahil sa gulat ko ay naitapat ko ang hose na hawak sa nagsalita. Namilog ang aking mga mata nang makita si Sir Luci na napamewang habang nakapikit ang mga mata. Dahil nakalimutan kong patayin ang hose ay basang-basa ito.

"Damn," mahinang aniya. Natatarantang pinatay ko ang hose at saka lumapit dito.

"Sorry po! Bakit naman po kasi kayo bigla-biglang sumusulpot?" nakangusong reklamo ko sa kaniya.

Hilig niya siguro ang pagsulpot sa kung saan-saan na parang isang kabute.

Tumingin siya sa akin habang nakakunot-noo.

"Of course, this is my house. Asahan mong susulpot ako kung saan-saan," masungit niyang wika. Nakataas pa ang kaliwang kilay niya.

Napanguso na lamang ako sa kaniya.

"May ipag-uutos ho ba kayo?" Nakangiti akong tumingin sa kaniya.

Kahit pala basa ay guwapo pa rin si sir, suplado nga lang. Kung papasok siya sa pagiging modelo ay paniguradong pagkakaguluhan siya ng mga kababaihan.

"Done staring?" Bumalik ako sa katinuan nang magsalita siya. Nakangisi siyang nakatingin sa akin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at ngumiti na lamang.

"By the way, did you see something last night?" Agad akong napaisip sa tanong niya.

"Tungkol saan ho ba?" nagtatakang tanong ko.

Marami akong nakita kagabi tulad ng sofa, kusina, langit, butin, at marami pang-iba. Ano naman kaya roon ang tinutukoy niya?

"About me and Veron," aniya at hinimas-himas ang kaniyang batok.

Nagtatakang tumingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Pilit kong inalala ang mga nakita ko kagabi. Agad naman akong napangiti at tumingin sa kaniya.

"Ah, kayo po ng babaeng unggoy." Nakakunot-noo siyang nakatingin sa akin at tila nagtataka sa aking sinabi.

"Did you just call Veron as babaeng unggoy?" nagtataka ngunit natatawang tanong niya sa akin.

Nakangiti naman akong tumango. Muka naman kasi talaga siyang unggoy na nakasabit kay Sir Luci.

"Kasi naman po, para siyang unggoy na nakalambitin sa iyo," nakangiti kong sagot.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon