Chapter 18

2.4K 97 15
                                    

H E A V E N

Sinag ng araw ang gumising sa akin ng umagang iyon. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at agad na sumalubong sa akin ang itim na kisame. Muling nagbalik sa akin ang mga nangyari kagabi nang mawalan ako ng malay ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pa.

"M-Myze," nanghihina kong tawag sa pangalan ng aking kapatid.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil nanghihina at napakasakit ng bawat parte ng aking katawan.

"Myze is fine, you should rest." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa mga salitang binitawan ni Cyren.

Sariwang-sariwa sa akin ang mga nangyari kagabi. Hindi ko maitindihan kung totoo ba iyon o hindi. Ang itsura ng lalaki kagabi ay hindi katulad namin, masyadong siyang..... kakaiba.

Bakit gusto niya akong patayin? Anong ibig sabihin niya na hadlang ako? Saan ako naging hadlang? At paano siya nakapasok sa mansiyon ni Sir Luci?

Ang daming tanong sa aking isipan na kailangan ng sagot pero hindi ko alam kung paano at saan ako kukuha ng mga sagot.

Sa dami nang pinagdaan ko sa buhay ay ito na ata ang pinakanakakatakot. Hindi ko maipaliwanag ang takot ko kagabi kakaiba ang presensiya niya.

Naputol ang aking pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Sir Luci na nakasuot ng t-shirt at shorts. May dala-dala siyang isang tray na mukang pagkain ang laman. Hindi naman ako nagkamali dahil pagkain nga ang lamang ng tray na iyon.

"You can leave now." Tumango lamang si Cyren saka lumabas ng kuwarto. Inilapag niya ang tray na dala niya bago ako tinignan. "How's your feeling?" tanong niya.

Bakas sa muka niya ang pagiging seryoso na naging natural naman na sa kaniya. Walang araw na hindi siya seryoso tuwing nakikita ko siya.

"Ayos na po ako ngayon," tipid na ngiti kong sagot sa kaniya. Tumago siya sa akin at saka ako inalalayan sa pag-upo, hindi ko napigilan ang mapangiwi dahil sa sakit ng aking likod.

Mukang masyadong nabugbog ang likod sa pagkakatama sa pader ng kuwarto namin. Inabot niya sa akin ang tray na dala-dala, isang toasted bread, soup, at isang fresh milk ang laman nito.

Agad naman akong natakam at hindi napigilan ang kumain agad. Hindi ko na rin pinansin ang mga titig sa akin ni Sir Luci dahil talagang gutom na ako.

"Sir Luci, sino po pala iyong kakaibang tao? Tao po ba iyon?" hindi ko na napigilan pa ang magtanong sa kaniya dahil gustong-gusto ko talaga siyang makilala at gusto ko rin malaman kung ano ang pakay nito sa akin.

"You'll know soon," tanging aniya at nakapamulsang lumabas ng kuwarto.

Naiwan ako ng may pagtataka habang nakatingin pa rin sa pinto kung saan siya lumabas. Buong akala ko pa naman ay sa kaniya ako makakakuha ng sagot sa mga tanong ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at tinuon sa aking pagkain ang atensyon ko. Natapos ko ang pagkain ko ng puno pa rin ng tanong ang aking isipan.

Nakaupo lamang ako sa kama at tinitignan ang walang buhay na paligid.Tanging pula at itim lang ang makikita.

Sinubukan kong tumayo para libutin ang kuwarto ngunit agad akong napangiwi dahil unang galaw ko pa lamang ay naramdaman ko na agad ang kirot sa aking likuran. Gayon pa man ay nagpatuloy ako sa pagtayo.

Maaliwalas ang paligid sa labas ng bahay. Nahagip ng aking mga mata si Manang na abala sa pagdidilig ng mga bulaklak. Ibinaling ko ang aking atensyon sa paligid ng kuwarto at isang lumang libro ang pumukaw sa aking pansin.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon