Chapter 17

2.3K 97 44
                                    

H E A V E N

"Ayoko na!"

Hindi ko na napigilan ang maluha pa dahil sa math na pinasasagotan sa akin ni Cyren. Ang akala ko ang math ay ginagamit upang matuto sa pagbibilang pero bakit kailangan kong hanapin ang X?

"Stop crying, tsk." masungit na turan niya lang.

Sino ba kasi iyang X na iyan at ako pa ang kailangan maghanap sa kaniya? Hindi naman ako pulis na naghahanap ng mga nawawalang tao.

Muli niyang tinuro ang papel ko na dapat kong sagotan. Hindi na ako umalma pa at pinilit intindihin ang mga nakasulat na numero.

"Good, you've done a good job," walang emosyon nitong papuri.

Ngumiti lamang ako. Ngayon naman ay si Cyron naman ang kaharap ko at mas gusto ko iyon dahil mas mabilis kong maintindihan ang tinuturo niya.

"How's your last class?" bungad na tanong niya.

Isang buntong hininga lamang ang naging sagot ko sa kaniya.

"It seems that my sister is really rough on you, huh?"

"Yeah, your sister is a monster," halos mabulol-bulol ako sa pagsasalita dahil hindi pa ako gaanong sanay sa pagsasalita ng Ingles.

Pero kaya ko ng bumuo ng mga salita gamit ang wikang Ingles. Naging madali ito para sa akin dahil epektibo ang pagtuturong ginawa ni Cryon.

"You're good at my subject, you like the subject or maybe... you like the teacher?" he said seductively.

Inismiran ko siya dahil walang araw na dumaan na hindi niya ito tinatanong sa akin.

Tinawanan niya lamang ako at nag-umpisa na kami sa aming aralin.

Palubog na ang araw ng matapos kami sa aming aralin. Ang huli kong naging guro ay si Lyke. Nauna siyang lumabas ng study room na pinahiram ni Sir Luci. Ako naman ay naglilinis ng kuwarto para maging kaaya-aya sa mata ng boss ko.

Sa susunod na linggo ay pagsusulit ko na at saktong kaarawan ni Myze. Napangiti ako ng maalala ko ang importanteng araw na iyon.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako para pumunta sa kuwarto. Halos madilim na ng makababa ako, mukang nasa ala sais na ng gabi. Pagkarating ko sa kuwarto ay halos manlamig ako sa aking nakita.

Isang lalaki na may kakaibang itsura ang nakatingin sa kapatid ko na mahimbing na natutulog sa aming kama.

"Sino ka?!" puno ng tapang na tanong ko. Halos manlambot ako nang makita ko ang nakakatakot niyang itsura.

Purong itim ang kaniyang mga mata, malaki ang pangangatawan, may malaking sungay sa kaniyang ulo. Hindi pangkaraniwan ang kaniyang taas kumpara sa normal na laki ng tao.

Nakangisi siyang lumapit sa akin na siyang dahilan upang mapaatras ako.

"Huwag kang lalapit!" pasigaw kong turan at hinihiling na sana ay marinig ako nila Sir Luci.

"I've been looking for you," nakangising aniya at bigla akong sinakmal sa aking leeg. Naramdaman ko ang unti-unti kong pag-angat sa sahig at paghahabol ko ng aking hininga.

Hindi ako makagalaw ultimong mga kamay ko ay hindi ko maigalaw tila isa akong paralisado. Mas lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak niya sa aking leeg na siyang dahilan upang mapaubo ako at mapapikit.

"Sagabal ka sa aming plano, kaya naman dapat kang mawala," rinig na rinig ng aking dalawang tenga ang paghalakhak niya.

"You really dare to step inside my house."

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon