Chapter 1

10K 245 33
                                    

H E A V E N

Nagising ako nang marinig ko ang isang malakas na kalabog na nagmumula sa pinagtagpi-tagpi na bubong namin. Nanlaki ang mga matang bumangon ako nang makita ko ang isang malaking bagay na bumubutas sa aming bubong. Hindi ako sigurado sa tawag dito ngunit palagi ko itong nakikita tuwing may ginagawang daan.

Agad kong hinanap ang bunso kong kapatid.

"Myze!"

Sigaw ko at agad na lumapit sa kapatid kong nasa isang sulok ng barongbarong naming bahay. Bakas na bakas ang takot sa kaniyang mga mata dahil sa kaniyang nasasaksihan. Agad ko siyang kinarga at inilabas ng bahay. Hindi ko na inisip pa ang mga gamit namin dahil tanging kaligtasan ng kapatid ko ang importante para sa akin.

At doon ko lamang napansin na hindi lamang ang bahay namin ang sinisira ng isang malaking sasakyan. Pati na rin ang ibang bahay sa buong lugar namin.

Mahigpit kong niyakap ang kapatid kong walang humpay sa pag-iyak.

Sampung taon pa lamang ako ay namatay na ang mga magulang ko at si Myze naman ay kakapanganak pa lamang noon. Kaya naman ay wala kaming ibang pagpipilian kung hindi ang tumira sa squatters area na ngayon ay ginigiba na. Habang ang iba ay pilit na lumalaban sa mga sumisira ng aming mga tahanan ngunit ang iba ay walang magawa kung hindi ang umiyak na lamang.

"A-Ate, saan po tayo tira?" lumuluhang tanong sa akin ni Myze.

Hinaplos ko ang pisngi niya at pilit na ngumiti.

"Gagawa ng paraan si ate, ha?" Tumango lamang siya at yumakap sa binti ko.

Mapait akong ngumiti at hinaplos ang kaniyang maalong buhok. Kahit ako ay hindi ko alam kung saan kami titira. Tanging pangangalakal at pagiging labandera lamang ang trabaho ko. Sa edad na sampung taong gulang ay tumayo na akong magulang ng aking kapatid.

Inilibot ko ang tingin sa mga bahay na ngayon ay sira-sira na. Kahit anong pagmamakaawa ng mga tao ay hindi sila nakikinig.

Tinakpan ko ang mga mata ni Myze dahil sa edad niyang walong taong gulang ay ayokong mamulat siya sa kaharasan kahit alam kong ito ang mundong ginagalawan namin.

"Parang awa niyo na po! Kahit payagan niyo lamang po kaming kunin ang mga gamit namin!" umiiyak na pagmamakaawa ni Aling Mitilda sa isang lalaki na may suot na sumbrero.

"Bueno, pagbibigyan ko kayo. Trenta minutos kailangan ay nailabas na ninyo ang mga gamit niyo!" wika ng lalaki.

Hinarap ko si Myze, "Hintayin mo ako rito, kukunin ko lang ang mga damit natin." Tumango siya bilang sagot.

Agad akong tumakbo papunta sa bahay. Hinalughog ko ang mga luma naming aprador at inilagay sa lumang bag ang mga iilang damit namin.

Binuksan ko ang maliit na kahon sa loob ng aprador kung saan nakalagay ang alkansiya ko. Napangiti ako at agad na kinuha at niyakap ito.

"Sampung minuto!"

Nagmadali akong isinilid ang alkansiya sa aking bag kung saan nakalagay ang iilang pirasong damit naming magkapatid. Pinagmasdan ko muna ang buong bahay bago tuluyang lumabas at pumunta kay Myze.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon