Epilogue

105K 2.5K 410
                                    

Walang fairy ang kuwento namin, pero may magic na kung tawagin niya ay himala.

May pumasok na isang doktor at nars sa kuwarto na pinaghihimlayan ko. Nagising tuloy yung mga magulang ko. At heto, habang pasimpleng tinatayp ang bawat salitang nasa isip ko kahit nanghihina na yung mga kamay ko, nakikinig ako sa sinasabi ng lalaking doktor.

Umiyak ang mga magulang ko. Ay mali pala. Humagulgol sila. Ako? Di ko alam kung hahagulgol o ngingiti. Ngingiti dahil makakasama ko na rin siya. Naalala ko tuloy yung guhit sa palad naming dalawa. Parehong maikli, pero mas maikli lang yung kanya. Napangiti ako. Kahit papaano, nakatadhana pa rin kami.

Siguro nga, maramot ako. Wala naman talagang may alam kung makakasama nga ba natin ang minamahal natin sa kabilang buhay, di ba, kung meron man. Hindi na 'yon mahalaga sa 'kin. Sabi nga nila . . . faith na raw natin 'yon. Naniniwala akong hinihintay niya ko. Hindi ko kaya na paghintayin siya . . . Kaya, heto na . . . papunta na rin ako.

Kung ilalagay ko siguro ang pangalan niya sa dictionary, ang ilalagay ko, One who could make you believe that miracles exist.

Walang fairy ang kuwento namin, pero may magic na kung tawagin niya ay himala. Hindi na dapat tinatanong kung bakit dahil may mga bagay na walang hanggan ang tanong pero walang sagot.

This story has a happy ending.

At dito naguumpisa ang kuwento naming dalawa.

A MiracleWhere stories live. Discover now