Chapter 12: Err

10.8K 505 74
                                    

"Alam mo ba, nanaginip ako na umiiyak ka raw?"

Hind ako sanay na naka-gown pang-ospital si Mary, at lalong hindi ako sanay na nakahiga siya. Heto, hawak-hawak ko pa rin yung kamay niya. Kakagising lang niya mula sa tulog niya kahapon. Siyempre, tinawagan ko na yung mga magulang ko. Sabi ko may dinadalaw lang akong kaibigan.

"Talaga?" tanong ko. "Anong itsura ko?"

"Umiiyak ka," sagot niya habang nakatulala sa dingding. "Iyon lang."

"Hayaan mo na nga yung panaginip mo."

"Ilang araw daw ako rito?" tanong niya habang lumilingon nang dahan-dahan sa 'kin.

"Depende."

"Anong depende?"

"Hindi kita palalabasin hangga't di ka magaling."

"Nathan, alam mong hindi na ko gagaling."

Buti na lang at biglang bumukas yung pinto. Iyong mama niya ang dumating. Hindi katulad sa ibang eksena na matutuwa at iiyak ang anak dahil dumating ang inang minsan-minsan lang niya makita, eto, parang araw-araw niyang nakikita yung mama niya habang isang maliit na ngiti lang ang naibigay niya.

"Boyfriend ka ba ni Rebecca?" tanong ng mama niya habang nakatayo sa may pintuan ng kuwarto.

Rebecca pa rin pala yung tawag sa kanya nung mama niya. Umiling lang ako. Nilagay niya yung prutas sa mesa. Akala ko di iiyak yung mama niya dahil 'yon nga, hindi naman sila ganun kalapit. Gulat na gulat ako nang bigla siyang humagulgol.

Tiningnan ko si Mary. Pero kahit isang luha, walang tumulo mula sa kanya. Nagtataka na ako kung anong kontrol ang meron siya para mapaatras o mapigilan ang mga luha niya. Bumukas muli ang pinto, at Papa naman niya ang pumasok. Napaluhod yung papa niya at humagulgol sa may sahig. Sa pagkakaalala ko, wala pa akong nakikitang ganitong eksena sa mga napapaanood ko. Pero bakit ko ba kailangang ikumpara? Iba ang totoong buhay.

Lumabas ako dahil alam kong kailangan nilang mag-usap. Buti na lang Sabado kaya wala akong kailangang asikasuhin. Di bale na 'yang mga exam na 'yan. Kakayanin ko 'yon.

Maya-maya, lumabas na yung mga magulang niya. Nag-usap sila sandali, tapos pumasok ulit yung papa niya sa kuwarto. Iyong mama naman niya, papunta sa 'kin.

"Anong pangalan mo iho?" tanong niya sa 'kin at umupo sa tabi ko.

"Nathan po."

"Salamat sa pagdala mo rito kay Rebecca."

"Wala po 'yon, Tita. Mahal ko po ang anak niyo."

Marahil nabigla siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nabigla siya dahil bigla-bigla ko na lang 'yon nasabi o dahil nagulat siyang mahal ko ang anak niya. Halatang halata pa rin sa boses niya na sobra yung paghagulgol niya kanina.

"Iho," sabi niya na may nanginginig na boses, "alam mong may taning siya, di ba?"

"Opo," sagot ko habang nakatingin naman sa kawalan. "Alam ko po sa umpisa pa lang."

"Pero ayos lang sa 'yo?"

"Naniniwala po akong gagaling siya."

"Himala na lang ang makakapagligtas sa kanya."

Umiyak na naman yung mama niya. Hindi ko rin mapigilang umiyak sa sinabi niya. Ayokong maniwalang matatapos nang gano'n na lang. Naniniwala ako sa himala.

"Limang buwan," sabi niya at tinapik yung mga balikat ko. Nagulintang ako sa dalawang salitang 'yon. Limang buwan? Kung sa isang estudyanteng naghihintay ng bakasyon, mahaba ang limang buwan ng klase. Pero sa isang taong nagaagaw buhay, sobrang ikli ng panahong 'yon.

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon