Chapter 8: The Shattered Memory

13.1K 557 67
                                    

Ang ganda ng araw dahil hindi masyadong mainit. Pati ang mga ulap, puting puti na parang mga bulak sa langit.

Sa isang linggo, kaarawan ko na.

Simula noong naging legal na ako, nakasanayan na naming magkakabarkada na sa tuwing may birthday, magpapainom. Ganon lagi. Pero naisip ko, gusto ko sana imbitahan si Mary sa ika-dalawampu kong birthday ko. Wala namang masama.

"Ethan, may alam ka bang bar na malapit lang dito sa village?" tanong ko nang minsang makausap ko si Ethan.

"Bakit?" tanong niya. "Doon na lang ulit kung sa'n nag-birthday si—"

"Gusto ko yung malapit lang dito."

"Ba't naman?"

"May iimbitahan ako."

"Sino?"

"'Sta."

"Oo, meron. Magta-tricyle pa nang kaunti. Kaso wala namang pumupuntang chicks doon e."

"Ayos lang 'yon. Para maiba naman. Dadamihan ko na lang ang pa-inom."

"Kung ganon ang usapan, ayos lang!"

Hindi ko alam kung anong sumapi sa 'kin, pero bumili ako ng kuwintas. Mahal 'yon, alam ko. Kaya nga mula noong binili ko hanggang sa makarating ako sa bahay, iningatan ko. Siguro nga regalo ko 'to para sa sarili ko.

Pero hindi yung mismong kuwintas yung sinasabi kong regalo ko para sa sarili ko. Ang sinasabi ko ay yung saya na matatanggap ko mula sa kaisa-isang babaeng nagpahanga sa 'kin dahil sa tatag niya . . . ang kaisa-isang taong nagpapaniwala sa 'kin na pusible ang lahat.

Basta, cross 'yon. Ipapaalala ko lang sa kanya na may kakapitan pa siya.

***

Nang pumunta ako sa park, andoon na siya, may binabasang libro—The Little Prince. Sabi nga nila, maganda daw 'yon. Hindi ka makakalabas ng university hangga't di mo pa 'yan nababasa.

"Mary, nagbabasa ka?" tanong ko.

"Hindi ba halata?"

Tumawa ako, siya naman, as usual, nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya, ng mga mata niya, ng maliit pero matangos niyang ilong, at yung maliliit niyang labi. Mukha talaga siyang manika.

"Little Prince?" tanong ko habang nakasilip sa binabasa niya.

"Oo. Nabasa mo na to?"

"Wala akong balak," sagot ko dahil hindi naman ako mahilig magbasa. Bumalik ako sa natural kong posisyon.

"Kasama to sa 1,001 books you must read before you die," sabi niya, hindi nililingat yung ulo niya sa libro, "yung unang version."

"Talaga?"

"Oo. walong libro na lang, puwede na akong mamatay."

"Wag mong sabihing . . . nabasa mo na 'yon lahat?"

"Seven years old ako nang magsimula akong magbasa ng mga gano'n. Accidentally ko lang nakita sa Internet. May nakita ako dati sa library ng mga dati kong magulang na kasama do'n, kaya inumpisahan ko na."

"Hindi ko pa nga ata alam ang salitang 'reading' at 'Internet' noong seven years old ako."

"Talaga?"

"Siyempre biro lang."

Nag-alala ako sa sinabi niya. Talaga bang gusto na niya mamatay? Pero sinabi naman niya sa 'kin dati na natatakot daw siya. Pero . . . bakit pa niya tinutuloy?

Siyempre, panahon na para ibigay yung espesyal na regalo ko para sa kanya. Pambawi na rin para sa birthday niya. Tumayo ako tapos pumunta ako sa likod niya. Kinuha ko sa bulsa ko yung kuwintas at sinuot sa leeg niya. Hindi ito katulad sa romantic movies kung saan mamamangha yung babae sa binigay ng lalaki. Hindi ito gano'n lang. Itong bibigyan ko ng kuwintas ay isang kakaibang babae.

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon