Chapter 17: She Is a Rose

11.9K 491 166
                                    

Dalawang araw na lang bago mag-Pasko, pero hanggang ngayon, wala pa rin akong mairegalo sa pinakaminamahal ko. Kung kaya lang ibalot ang pagmamahal, iyon na lang sana.

"Alam mo yung kantang 'Tears in Heaven'? Yung kay Eric Clapton?" tanong niya sa 'kin.

"Medyo," sagot ko. "Di ko kabisado."

"Kabisaduhin mo. Pag nag-drawing ako ng puso sa palad mo, gusto ko, kantahin mo 'yon sa 'kin."

Pagkarating ko sa bahay, hinanap ko agad sa internet yung sinabi niyang kanta. Pinakinggan at kinabisado ang bawat nota. Bakit kaya? Para saan?

***

Hindi ako mapakali. Kailangan bago mag bukas, may ibibigay na akong regalo sa kanya. Binuksan ko yung radyo nang may narinig akong kanta. Isang kanta na nagpapaalala sa 'kin sa kanya . . . lahat naman ata e. Pero ito talaga, hindi ko alam kung bakit, malakas ang tama sa puso ko.

Nagkaroon ako ng ideya. Nag-research ulit ako sa internet ng guitar chords kahit hindi ako masyado magaling. Ang mahalaga, maramdaman niya yung gusto kong iparating.

Pumunta ako sa bahay nila bandang hapon. Naabutan ko siyang nakahiga, siguro nagpapahinga. Hinalikan ko siya sa labi para gisingin, pero hindi siya nagising. Ngumiti na lang ako dahil sa ganda niya. Kahit ang payat-payat na niya at ang putla-putla, siya pa rin ang pinakamagandang babae para sa 'kin.

Isang araw bago ang Pasko, handa na akong gawin ang mga gagawin ko. Nagpaalam ako sa mga magulang ko. Sa bahay din naman ako magpa-Pasko, pero may kailangan lang ako gawin.

Pumunta ako sa bahay nina Mary mga alas-nuwebe ng gabi. Alam mong sa kanila 'yon dahil walang dekorasyon sa bahay. Bukas yung ilaw. Siguro kumakain na sila ng tatay niya.

Pumasok ako. Mukhang hindi naman na siya nagulat sa pagdating ko. Ngumiti lang siya. Nakita ko yung bag ng groceries. Mukhang kakadala lang ng mama niya ng mga 'to kani-kanina lang. May spaghetti at juice na nakahanda.

"Iho," bati ng tatay niya habang hawak ang kutsara at tinidor, "kain."

"Sige po," sabi ko habang nakatungo. "Kakain din po ako mamaya. Puwede ko po bang mahiram si Mary? Sobrang saglit lang po."

"Siyempre naman."

Ngumiti si Mary. Kinuha ko yung wheelchair niya at yung jacket niya. Nilabas ko siya ng bahay papunta sa park.

"Ano bang meron?" tanong niya.

"Pasko."

"May surpresa ka?"

"Hindi ko alam."

Ngumiti siya. Nang nasa park na kami, kinuha ko yung gitarang tinago ko sa may mga halaman. Tumawa siya, at masaya akong marinig 'yon.

"Ano bang gagawin mo?" tanong niya kahit alam kong alam na niya.

Pero ang sagot ko, dinaan ko sa kanta ng "Like a Rose" ng A1.

"And as I look into your eyes, I see an angel in disguise sent from God above for me to love to hold and idolize . . ."

Tinitingnan ko siya habang tinutugtog ko ang kanta. Gusto ko siya yakapin. Gusto ko siya dalhin sa langit ko. Kung puwede lang itigil ang oras . . . kaso hindi puwede.

Nasa harap ako ng isang manikang may kapangyarihang baguhin ang pananaw ng buhay ng isang tao . . . at isa ako sa biktima niya. Biktima nga ba? Mali, isa ako sa mga mapapalad na tao na naging parte ng buhay niya. At heto ako ngayon . . . nababaliw na sa kanya.

"You give strength so I stand tall within this bed of earth just like a rose . . ."

At sa pagtapos ng harana ko, binitawan ko yung gitara at pumunta sa isang anghel na naka-wheelchair. Tumingin siya sa 'kin, at nalaman kong pinipigilan niyang umiyak. Nakakatawa nga e. Dati hindi niya kaya ang pag-iyak. Ngayon, hindi naman niya makontrol.

A MiracleWhere stories live. Discover now