Chapter 14: The Con

11K 491 95
                                    

Sembreak na namin. Masaya ako dahil mas magkakaroon na ako ng panahon para asikasuhin siya. Mas magkakaroon ako ng panahon para maiparamdam sa kanya kung ga'no ko siya kamahal. Iniisip ko nga kung yayain ko kaya siya magpakasal tulad ng nasa libro, kaso hindi naman makatotohanan 'yon. Sigurado akong hindi papayag ang mga magulang ko.

Ang saya ng sembreak pag katabi ang mahal mo, 'no? Ang problema . . . hindi pa alam ng mahal ko na mahal ko siya. Naalala ko yung libro, kung paano nag-react yung bidang babae nang sinabi ng bidang lalaki na mahal niya siya. Ganon din kaya ang magiging reaksiyon ni Mary? Pero sige na nga, wag na. Mamahalin ko na lang siya nang tahimik.

Nagalit sina Mama at Papa nang nalaman nilang madalas ako mag-cut sa klase dahil kay Mary. Tinanong ni Mama kung nasa katinuan pa raw ako. Sa mismong mga salita niya, "Sa lahat ng babae, bakit yung mukang voodoo doll na 'yon? Sinisira mo ba 'yang buhay mo?"

Gusto ko sabihing may taning siya. Pero kung nalaman ni Mary na 'yon lang ang dahilan kung bakit kinukumusta siya ng magulang ko, siguardong malulungkot lang 'yon.

Hinayaan ko na lang sila. Wala naman silang magagawa. Malaki na ako para magdesisyon sa sarili ko. Isa pa, free cut naman 'yong mga 'yon.

***

Palapit na nang palapit ang Pasko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang ireregalo ko sa kanya. Ano nga ba? Gusto ko yung magagamit niya araw-araw. Kung bestida na lang kaya na itim? Puwede. Kaso hindi ko nga alam kung sa'n niya 'yon binibili o kung magugustuhan ba niya yung bibilhin ko. Malalaman naman niya kapag tinanong ko sa kanya kung saan niya binibili yung mga damit niya.

Nakahiga ako sa kama nang tinawag ako ng nanay ko sa baba dahil andoon daw yung dalawa kong kaibigan. Alam ko si Ethan na yung isa, pero sino yung kasama niya?

Pagbaba ko, nakita ko nga si Ethan. Iyong isa, si Sam. Nagulat ako dahil nagalit si Mama kay Sam noong high school ako dahil siya raw ang nagiging dahilan kung ba't mababa yung grades ko.

"Ba't kayo andito?" tanong ko.

"Hindi mo ba alam na piyesta niyo na rito?" sagot ni Ethan habang nakapamewang.

"Tumahimik ka, Ethan."

"Mamayang gabi sa covered court niyo yung salo-salo."

"Seryoso ba 'yan?"

"Oo, may pacontest pa nga doon ng kantahan e."

"Kasali ako," singit ni Sam.

"Ha? Ba't ka kasali? E di ba—"

"Puwede raw sumali kahit sino," sabi ni Ethan. "Basta ba handang magbayad ng five hundred pag outsider."

"So nakapagbayad ka na?" tanong ko ulit kay Sam.

"Oo. Isang libo pa nga e."

"Ba't isang libo?"

"Wala lang. Sabi ko donation yung isa."

Ang labo. Ang labo ng sagot ni Sam. Sinong tanga ang magsasakripisyo ng isang libo para sa isang singing contest kung wala ka pa naman talagang pinagkukuhanan ng pera?

"Isama mo naman yung taong mas mahalaga pa sa 'kin," dagdag ni Sam na may sarcastic na tunog.

Nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi niya. Marahil kilala na niya kung sino. Hindi na ako magtataka kung noong mga nakaraang buwan ay pinasunod o sinundan niya ako para makita yung mga ginagawa ko.

"Baka hindi siya puwede," sabi ko na lang.

"Ba't naman hindi siya puwede?"

"Kasi—"

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon