Chapter 16: She Will and She Was

11.1K 495 186
                                    

Nagresearch ako tungkol sa lyrics ng kinanta niya—"The Con" ng Tegan and Sara. Pero sa kanta, wala yung "nobody likes me maybe if I die." Siguro, sinama lang niya sa kanta niya.

"Alam mo ba kung anong pagkakaiba ng pagmamahal at pag-ibig?" bigla niyang tanong sa 'kin.

Nabigla ako sa tanong niya. Mas mahirap pa ata sa mga exam ko. Ano namang ibig sabihin niya sa pagkakaiba ng pagmamahal at pag-ibig? Parang ngayon ko lang ata narinig na magkaiba sila.

"Meron ba? Hindi ba 'yon magkaparehas?" sabi ko.

"Pag sinasabi mong iniibig mo ang isang tao, hindi mo kayang mabuhay kapag wala siya. Ang pagmamahal naman, kaya mong mabuhay kahit di mo siya kapiling, basta alam mong masaya yung taong minamahal mo."

Napaisip tuloy ako. Naisip ko yung mga magiging panahon na di ko siya kasama. Alam kong hindi ko kayang huminga nang maluwag pag di ko siya makikita. Pero yung mga binitawan kong mga salita kahapon, tumataliwas sa naiisip ko.

"Naguluhan ako," sabi ko sa kanya.

"Pasensiya na. Binasa ko lang yung mga naiwan kong mga readings nppng first year palang ako," paliwanag niya.

Nasa parke pa rin kami ngayon, pero ang pagkakaiba, naka-wheelchair na siya dahil nanghihina na raw siya. Tatlong araw na lang bago ang Pasko, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong puwede kong iregalo sa kanya.

May binabasa na naman siyang libro—Chicken Soup for the Teenage Soul. Maya-maya, nakikita ko siyang ngumingiti; maya-maya, seryoso na. Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang nagring yung cell phone ko.

Si Sam.

Sinagot ko pero nagsisi rin ako. Gusto kong ibaba yung telepono ko, pero hindi naman puwede. Kahit papaano, marunong ako rumespeto sa kausap ko sa kabilang linya.

"Bakit?" tanong ko.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo."

"Sa personal."

"Hindi."

"Please, Nathan, I need to talk to you."

"Pasensiya na. Hindi ako puwede."

"Nasa bahay niyo ako ngayon. Nasaan ka ba?"

"Malayo diyan. Sige, bye na."

"Te—"

Binaba ko na yung telepono.

Sige, pupunta ako sa bahay namin para kausapin siya. Pero sana bigyan ako ng pasensiya at pagtitimpi ng Diyos sa tuwing kaharap ko na siya.

"Uuwi na ako?" tanong niya.

"Oo," sabi ko at tumingin rin sa orasan. "Kailangan mo na umuwi."

"May kakausapin ka?"

"Oo, kailangan e."

"Sige, ako na—"

"Sira-ulo ka ba? Hahayaan ba naman kita umuwi mag-isa?"

"Alam kong hindi. Malay mo lang na pumayag ka."

Hinatid ko tong babaeng nagpapaikot sa mundo ko sa bahay nila. Siguro, talagang pinaglapit Niya kami ng bahay para makasama ko siya ngayon at para mapatunayan na kaya kong baguhin ang sarili ko sa loob ng isang gabi. Iyon nga lang, hindi ganoon kadali.

Ayoko pang umuwi ng bahay. Gusto ko, kasama niya ako sa bawat minutong lilipas. Sa tuwing kasama ko siya, nakakalimutan ko na may sakit siya, at nakakalimutan ko na may iba pa akong mundong dapat problemahin. Oo, siguro nga. Siya lang ang gusto ko problemahin habambuhay.

A MiracleWhere stories live. Discover now