Chapter 6: Discernment

13.2K 606 120
                                    

Nahihirapan akong mag-isip kung ano ba'ng dapat gawin. Oo, hindi nga ako nangako kay Ethan na makakapunta sa debut ni Sam. Pero aaminin ko, may nararamdaman pa ako para sa kanya . . . ata. Sa tuwing naiisip ko kasi yung mga alaala naming dalawa, parang gusto kong ibalik ang oras at doon na lang manatili habambuhay. Pero heto ako ngayon, nahihirapang magdesisyon kung saan nga ba ako pupunta.

Buti sana kung mauulit yung play na 'yon. Kung mauulit 'yon, madali lang magdesisyon. Kaso hindi e. Iyon na yung huli niyang play. Nakadagdag pa yung huli niyang sinabi noong isang araw. "Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong taon. Kaya sana . . . makapunta ka."

Tae. Nahihirapan akong magdesisyon.

Tumatakbo ang oras pero nahihirapan pa rin ako pumili. Nag-coin toss na ako, nakipagbato-bato pick sa kapatid ko, nagpiring pa ko. Lahat, ang lumabas, sa debut ni Sam. Pero nagaalinlangan pa rin ako.

Ano ba talaga, Nathan? Sa'n mo ba talaga gustong pumunta?

Lagi kaming nagkikita ni Mary. Binabaunan ko pa rin siya. Medyo nakakailang nga lang pag nawawala yung mga batang naglalaro kasi biglang tumatahimik. Pag ganoon ang nangyayari, magtatanong ako sa kanya ng kahit ano at saka ako magkukuwento. Sa kaunting araw na natitira para magdesisyon ako, nakuwento ko na ata sa kanya ang talambuhay ko. Siya, tahimik na nakikinig.

Isang araw bago ang debut ni Sam at ng play niya, siya na mismo ang tinanong ko kung anong gagawin niya pag nahihirapan siyang magdesisyon.

"Mary," umpisa ko, "pag nahihirapan ka magdesisyon, anong ginagawa mo?"

"Nanghihingi ako ng milagro mula sa Taas."

"Tulad ng?"

"Kunwari pinapapili ako kung cookies and cream ba o rocky road. Dahil pareho kong gusto, bibilhin ko na lang pareho. Pero pag may dumating na taong nanghingi ng isa sa mga binili ko, ibig sabihin, yung natira yung nakatakda para kainin ko."

Pero hindi ko naman 'yon magagamit sa pagdedesisyon ko. Paano ako hihingi ng milagro mula sa Taas kung hindi naman to kamila-milagro? Titigil ba yung play na 'yon kung babagyo? E yung debut, titigil din ba kung babagyo? Tingin ko kung babagyo, titigil pareho. Ano pang milagro ang dapat kong hilingin?

Wala na. Bahala na.

Kinabukasan, nag-aalinlangan pa rin ako sa desisyon ko. Pupunta muna ako sa debut ni Sam. Tapos pag nagampanan ko na yung pagiging escort ko, aalis na ako at pupunta sa play. Sa tingin ko naman, matagal lalabas si Cosette—si Mary. Trenta minuto lang naman papunta sa school of arts na sinasabi niya.

Parehong alas-otso ng gabi yung play at yung debut niya. Alas-siyete pa lang, nagbihis na ko. Pumunta muna ako sa bahay nina Mary. Kumatok ako pero walang sumagot. Ibig sabihin, umalis na siya. Pagkatapos, pumunta na ako sa resort kung sa'n gaganapin yung debut ni Sam. Seven forty-five nang nakarating na ako sa resort.

"Tol ang tagal mo!" bati sa 'kin ni Ethan. Sinalubong niya ako sa gate at hinatak. Nagkita-kita na naman kaming magkakabarkada noong high school. Siyempre, kumustahan.

"Punta ka na daw sa room ni Sam," sabi ni Ethan.

"Ako lang?" protesta ko.

"Natural. Ikaw escort e."

Pumunta ako sa kuwarto ni Sam. Nakita ko siya, naka-asul na gown. Ako naman, namangha sa kagandahan niya. Pero di ko pa rin maalis sa isip ko yung gagawin ko para makaalis papunta sa play ni Mary. Naguguluhan na ako.

"Nathan!" bati niya sa'kin at yumakap. Yinakap ko rin naman siya pabalik. Medyo matagal na rin noong niyakap ko siya . . . at namimiss ko na rin yung ganitong mga alaala.

A MiracleWhere stories live. Discover now