NCR Chapter 02: Nostalgia De Lavin

145 6 0
                                    

NCR 02: Nostalgia De Lavin

Nang makarating na kami sa tapat ng mansion ay agad naman kaming pinagbuksan ng gate. Mabilis kong sinakbat ang backpack ko at sinuklay ang dulo ng buhok ko gamit ang mga daliri ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga nang huminto na ang sasakyan at dali-dali akong pinagbuksan ng driver.

Sinalubong ako ng mga nakahilerang maids sa staircase papuntang main door ng mansion. They are in their pink uniform tonight. Agad lumapit sa'kin si Mommy Sol, ang nag-aalaga sa'kin mula bata pa ako at nag-iisang pinagkakatiwalaan kong kasambahay. Tipid niya akong nginitian at pinahubad sa'kin ang suot kong backpack.

"Nand'yan na ang mga bisita, anak. Medyo kanina pa dumating," pa-uulat niya na tinanguan ko lang. Tinapunan ko ng tingin ang bandang gilid ng bakuran at nakita ko sa likod ng fountain ang isang kulay gray na van na nakaparada. Malamang ay iyon ang sasakyan ng mga bisita. I'm kind of surprised dahil mukhang kaunti lang pala sila. I was expecting that we will have a lot of visitors just like last month. But the lesser, the better.

Sinamahan ako ni Mommy Sol patungo sa kwarto ko. Naging mabilis lang ang paglalagi ko roon dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa nang mas matagal ang mga bisita. I just wore a light yellow long sleeve dress na hapit sa katawan ko. Umabot lamang ito sa taas ng tuhod ko na sapat na ang haba para maging kumportable ako. I also changed my mask into the half-face one na madalas kong isinusuot tuwing may mga bisita. I didn't bother to comb my hair dahil naayos ko na naman kanina sa school.

I hurried downstairs and let Mommy Sol to guide me towards the dining room. Pagdating namin sa harap ng dining room ay sarado ang double-door. May dalawang guard na nagbabantay at tila naestatwa na sa kinatatayuan nila. I don't really get why we're always having body guards outside our dining room. As if namang may susugod habang kumakain kami.

"Good evening, Lady Memoria," sabay na bati ng dalawang guards na mukhang pinag practice-an ang sabay na pagbati. Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Lady Memoria is here," sabi ng kasambahay na sumalubong sa'kin kanina na naging hudyat para magbukas ang double-door mula sa loob.

Bumulaga sa paningin ko ang mahaba naming dining table na may mga nakahaing maraming putahe. Nakita ko ang tatlong bisita na pormal na nakaupo sa dining chair. They're obviously a family. The Father, the Mother and the daughter. The parents smiled at me and that's why I did, too in a formal way. Nakita ko ang anak nilang babae na mukhang kasingtandaan ko lamang na manghang nakatingin sa'kin. She's probably thinking why am I wearing a mask right now.

"Good evening po," bati ko at binigyan sila ng pormal na ngiti. Nasa magkabilang kabisera sina Mommy and Daddy. They both gave me an assurance smile and I just nodded.

"Good evening, hija. I was worried that you won't be able to come on time," sabi ni Mommy na hindi ko na lang inimikan pa. Umupo ako malapit kay Mommy kung saan halos katapatan ko 'yung babae at katabi naman nito ang parents niya. Medyo malayo si Dad sa'min dahil nasa kabila siyang kabisera. Pormal akong umupo at sinubukang lunukin ang hiya at pagkailang. I've done this so many times.

"Good evening, Memoria. Hindi nagkamali ang parents mo sa pagkaka describe sa'yo. You're very white and beautiful," puri sa akin ng ginang na mukhang kasingtandaan lang din ni Mommy. I heard she's one of my Mom's childhood friends.

Naiilang akong ngumiti at hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko para magpasalamat. I've been praised by a lot of people and I still don't know how to accept it properly.

"Naku pasensya ka na, Lev. Mahiyain talaga 'yang anak ko," agap ni Mommy na kadalasan naman niyang ginagawa. Natawa naman si Daddy at saka iyong asawa nung Lev daw.

No Campus Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon