NCR Chapter 20: Foundation Day (Part 2)

97 3 0
                                    

NCR 20: Foundation Day (Part 2)


"Don't worry! Someone will clean the mess we made back there! Well... if that's what you're worrying about!" Mimosa whispered and gave me a fake apologetic smile.

Napailing-iling ako at napabuntung-hininga. Kung pwede ko lang sabihin na siya ang dahilan kung bakit nauubos na agad ang energy ko. Wala pang isang oras simula nang matapos ang short opening program at t-in-our namin sila. Sobrang hyper nilang tatlo. Siya, ang president, at vice president nila. Ang anim pa nilang kasamang babae ay maayos naman pero may pagka-hyper din. But I think it's better than them not being excited about going here.

"Hi, Memoria! Natatandaan mo pa ba ako? Ako 'yung seatmate mo noong Grade 7 sa halos lahat ng subjects? I'm Irene Abadines!" Nagitla ako nang makaramdam ako ng pangangalabit. Lumingon ako at nalamang ang Pillar Head ng Youth Empowerment ito.

Napahinto ako sa paglalakad at napakurap-kurap. Pinagmasdan ko siya at sinubukang tandaan ang mga alaala ko noong grade 7. Kaya pala noong nagpakilala sila isa-isa ay tunog pamilyar ang pangalan niya. Well, to be honest, ang iba rin sa pillar heads ay pamilyar ang pangalan sa 'kin. I just didn't give a thought about it earlier.

"Yeah... I think I kind of remember you... I'm sorry! My memory is not that... great," pagsasabi ko ng totoo dahil hindi talaga pamilyar ang mukha niya. Tanging pangalan niya lang. Plus, I'm not really into other people before, even now. Puro ang naaalala ko ay ang distant relatives ko sa father's side.

She chuckled and smiled sweetly. "Hehe ano ka ba! Medyo inasahan ko na namang hindi mo ako maaalala dahil hindi naman tayo masyadong nag-uusap noon! Mahiyain din kasi ako dati. Saka... may pagka-mataba ako dati. Ngayon-ngayon lang din ako pumayat." Natigilan ako sa sinabi niya. Siya... na 'yan?

She was really chubby back then. As I looked into her face, carefully this time... naaalala ko na siya. At ang alam ko ay magkalapit sila ng bahay ni Crever noon but we don't share the same circle of friends. Kung tutuusin ay kinokonsidera siyang loner noon. But look at her now, she's very friendly. People really change...

"I remember you now. Yeah... We're always seatmates back then. Long time no see!" magiliw kong responde sa kanya pero pakiramdam ko ay nagtunog mahinhin pa rin.

Lumapad ang ngiti niya at pabirong binangga ang balikat niya sa balikat ko. "So... kumusta naman kayo ni Crever? Naalala ko pa na lagi kang bumibisita sa kanila noong Grade 7 tayo..." puno ng kyuryosidad niyang tanong. Alam ko ring may bahid ng malisya iyon.

Bahagya akong nanlumo ng maalala na naman ang nakita ko kahapon. Well, I was really crazy about Crever when we were kids... and I'm still pretty attached. Nothing has really changed for me... except that one essential thing. His feelings...

"We're okay. He's doing a great job... as the president of the SC," I answered warily. Medyo malakas ang usapan namin kaya alam kong nakikinig ang iba sa amin. Tumango-tango naman si Irene at hindi na nagsalita pa.

"Still like him?" biglang tanong ni Mimosa. Sa bigla ko ay pwersahan kong tinanggal ang braso niya sa 'kin. This girl and her stupid mouth!

"That was back in the days," pagsisinungaling ko. Actually, I'm kinda proud that I didn't stutter.

"Hmm... Well, if you're trying to hide it, I totally get you. This school... doesn't allow romantic relationships. Kung hindi lang sana kayo lumipat pareho, magiging-"

"I said that was all in the past. I don't like him that way anymore. And you're aware that we have this rule... Huwag kang padalos-dalos ng mga sinasabi at baka mag-cause lang 'yan ng kung anong rumor. You're so stupid, Mimo," dire-diretso kong sabing puno ng iritasyon. I sounded really defensive but like I care. Nagpigil naman ng tawa si Mimosa at ngumuso.

No Campus Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon