NCR Chapter 17: Her Voice

94 3 0
                                    

NCR 17: Her Voice


"Thank you! Happy Birthday ulit, Milky!" Nostalgia said merrily as she waved her hand at Milky. We also bade our farewell to her. She just smiled and ran toward the opposite direction. Halata sa kilos niya ang pag-aalala at pagmamadali.

Napaisip naman ako kung naparamdam ko ba sa kanya na welcome siya dahil sobrang nawala ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay ayos lang naman ang pakikitungo sa kanya ng mga lalaki. Even Dreamia talked to her casually. Nang bumalik ako sa shop kanina ay naabutan ko silang nag-uusap nang mahinahon. The only one who surely made her uncomfortable was Crever...

Inilipat ko ang tingin kay Crever at naabutan ko siyang sinusundan ng tingin si Nostalgia. It looked like... he was troubled or something. Kanina pa siya nakakunot-noo at mukhang hindi naman siya nag-enjoy. He kept on looking back and forth at Nostalgia. Nostalgia didn't seem distracted. She didn't mind him... Pero kahit na ganoon ay hindi nakatakas sa pag o-obserba ko ang bakas ng pangamba sa mga mata niya. I have no clue about what their problem was... But I think it's safe to say that they know each other.

Dumapo ang tingin ko kay Sage nang maramdaman kong nakatingin siya sa 'kin. I raised my brow slightly but he just furrowed his brows at me. Bigla ko na namang naalala ang sinabi niya at awtomatikong nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung maiilang ako o ano. Ang OA ko naman kung ganoon ang mararamdaman ko. It's just a compliment... that I rarely hear directly from someone. It just feels good. Hindi ko naman feel na feel ang pagiging maganda... Pero nung narinig ko 'yon, pakiramdam ko, nawala ang lahat ng iniisip ko nang ilang sandali.

I hope someday, the universe will let me see my own face so I can judge on my own. Kahit balang araw pa... Basta mangyari.

"Ano ayos ka na ba? Nakita ko kayo ni Sage na nag-uusap kanina..." Dreamia whispered meaningfully. She's grinning at me as if I did something silly behind her back. I rolled my eyes at her and remained quiet. I'll never tell her that Sage told me that. Baka habang buhay niyang ipang-asar sa 'kin iyon.

Nakatayo kaming lahat sa labas ng shop at ang mga kalalakihan ay nagku-kuwentuhan pa. Ang iba ay babalik ulit sa school dahil nandoon naghihintay ang mga sundo nila at ang natitira, katulad ko, ay maghihintay ng sundo.

Pasimple akong siniko ni Dreamia. Nang lingunin ko siya ay minamandohan niya akong lumayo mula sa grupo. Nagpatulak ako sa kanya kahit naguguluhan. Kumapit siya sa braso ko at isiniksik ang sarili sa 'kin. Sa ginawa niyang iyon ay saka ko napagtanto ang gagawin niya. Tss.

"Do you know something about between Nostalgia and Crev? Crever was literally glaring at her..." pang-iintriga niya na mabilis kong inilingan. Mukhang inaasahan naman niya ang sagot ko at tumango-tango na lang. I really have no idea about it... But I want to know.

"Feeling ko... Feeling ko lang ha..." Agad napataas ang kilay ko nang makitang nakangisi na naman siya.

"Feeling ko... crush ka ni Sage..." mahina niyang sabi sabay ngiti nang malapad. Pakiramdam ko ay tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko nang marinig iyon. Pinisil ko ang braso niya dahil mukhang kulang na lang ay alug-alugin niya ako.

"Feeling mo lang 'yan," I said to make her stop. She laughed hysterically that caught everyone's attention. Agad lumapit si Acer sa 'min at mukhang mang-uusisa na naman. Chismosa number 1 at 2 talaga.

"Sige sabi mo e..." sagot niya na halatang hindi naniniwala. She shrugged her shoulders and smirked at me.

"Ano 'yon ha?" tanong ni Acer na ikinawala ng ngiti ni Dreamia. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Acer o ano. Nakuha niya ang atensyon ni Dreamia kaya naman natigil ito sa panunukso sa 'kin. Pero... nag-away na naman sila.

No Campus Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon