NCR Chapter 07: Sergeants

129 6 0
                                    

NCR 07: Sergeants

"Hindi nga sabi ganyan! Paulit-ulit na lang tayo!"

"Eh paano ba kasi?! Kumalma ka nga! Baka mapagalitan tayo!"

"Medyo pinagsisisihan ko nang sumama ako sa group study na 'to hehe..."

"Dapat pinagsisihan mong sinama mo 'yang kaibigan ni Memoria..."

"I've been telling you that Memoria and her are not friends! Stupid!"

"We are not friends! We're best friends! Hmp! Dali na tuluruan mo na 'ko!"

"Nakakawala ka ng gana! Ayoko na!"

"Sige na kasi Dreamyyyyy!"

"Amputa naman! Sinabing wag kang magr-round off pag nasa process ka pa lang!"

"Ha?! Hindi naman ako nag round off!"

"Compute-in mo ulit 'yan!"

"ANO?! LAHAT 'TO?"

"Syempre! Paano mo makukuha ang tamang sagot? Bilis!"

"Huhu... Memoria help me!"

Hindi ko na mabilang kung naka ilang buntong-hininga na ba ako simula nang makarating kami dito sa library malapit sa subdivision nina Dreamia. Sobrang gulo nilang apat, lalo na sina Dreamia at Nostalgia na nasa harapan ko. Panay naman ang side comments nina Acer at Milky sa gilid ko. They can't focus studying, too. Para kaming nanonood ng teleserye. Kanina pa nagd-drama si Nostalgia dahil hindi niya makuha ang tinuturo sa kanya ni Dreamia. At ito namang si Dreamia, kanina pa galit na galit. Ako naman kasi dapat ang magtu-tutor kay Nostalgia sa Gen Math pero pilit siyang nag-prisinta kaya bahala siya. Gusto niya 'yan...

"Punyetang Simple Interest! Hindi naman simple!" gigil na bulong ni Nostalgia habang kunot-noong nire-recompute 'yung item na pinaulit sa kanya ni Dreamia.

"Di ba sabi ko naman sa 'yo na i-try mo ring i-check 'yung VRI sa link na sinend sa 'yo ng school sa email? Maraming teachers ang nagawa ng ganon in case hindi makuha ng students 'yung lessons sa actual class! Lalo na sa Math-related subjects!" balik naman sa kanya ni Dreamia na mukhang nanggigigil na rin.

"May Pre-Cal pa! Haysss ba't ba kasi ako nag STEM?!" she fussed at herself.

"Hindi ko rin alam sa 'yo pero tapusin mo na 'yan para makausad ka na," ani Dreamia at nagpipindot-pindot na sa calculator niya. Nginusuan na lang siya ni Nostalgia na mukhang kaunti na lang ay iiyak na.

I just shook my head and paid attention to the homework I couldn't bring myself to answer since I was very distracted earlier. I think I can answer this swiftly if we're not studying together... Mas ayos pa ata ang individual review pero nakaka bored rin naman kasing mag review nang walang kasama. Hay ewan.

"Natutuyo na ang utak ko sa Komunikasyon..." si Acer na nasa gilid ko na mukhang naiimbyerna na rin sa mga inaaral niya.

"I told you to just flunk the exam," walang kwentang responde naman ni Milky sa kanya na mukhang natatanging nakaka usad sa group study naming 'to na mukha namang hindi group study.

"Hindi pwede 'yon! Tss. Nag e-effort ako sa org ta's sa academics, hindi? Edi napalayas ako!" sagot naman ni Acer sa medyo pabirong paraan.

Biglang nag-angat ng tingin sa 'min si Nostalgia. "Speaking of org... Pine-pressure kasi ako ng adviser namin na sumali sa club thingy? Required ba 'yon?" tanong niya at parang dumoble ang pasan niyang problema.

"Not really... But since pinipilit ka ng adviser mo, wala kang choice," sagot ni Dreamia sa kanya habang ang mga mata ay nasa calculator pa rin.

"Ba't ganon? Sa ibang section hindi required?" nagtatakha niyang tanong at saka napakamot-kamot sa dulo ng kilay niya.

No Campus Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon