NCR Chapter 09: Mirror, Mirror

119 5 17
                                    

NCR 09: Mirror, Mirror

Hindi ko na alam kung nakailang silip na ba ako sa reaksyon ni Sage habang naglalakad kami pabalik ng SOB. Ngayon lang tunay na nags-sink in sa utak ko na nakita niya ang kabuuan ng mukha ko. Gusto kong mahiya at magtago. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at nap-praning na ako sa pag-aalala. I just really hope that he isn't making fun of my face. But I must still be thankful that he lent me his mask. It means so much to me.

"May sasabihin ka ba?" bigla niyang tanong habang ang mga mata ay diretso lang sa daan. Mahina lang ang pagkakasabi niya nito, sapat lang para marinig ko. Mukhang sinadyang hinaan dahil pinagtitinginan siya ng mga estudyante, lalong-lalo na ang mga babae. They were squealing with obvious excitement as if this guy with me is someone... popular and very important. Para silang nakakita ng artista.

"I want to ask you a favor..." I gulped and tried to see his reaction from the side of his face. He didn't respond so I just decided to remain silent.

Malapit na kami sa SOB nang mapahinto kami sa paglalakad. Hinarang kami ng isang pamilyar na mukha. Nakangiti ito kay Sage habang nakahalukipkip. Sinilip ko ang reaksyon ni Sage at nakita ko ang pag liwanag ng mukha niya. They must be close...

"Hi Kuya Sage! Have you seen Aurora?" tanong ni Snowren sa kanya. Matapos niyang magtanong ay mabilis niyang inilipat ang paningin sa akin at nakita ko ang hiya sa mga mata niya. She blushed and seemed very embarrassed. She must be still thinking of that incident... or probably not.

"Hi, M-Memoria!" she greeted with a shaking voice. I didn't mind to answer and planned to head first to the SOB. Nakita ko ang pagsunod nila ng tingin sa 'kin. Nang mapadpad ang mga mata ko sa paligid ay nakita ko ang kaninang mga kinikilig na babae na sinasamaan si Snowren ng tingin. Napabuntong-hininga na lang ako sa isipan ko at sinubukang maglakad nang diretso. These girls must be really crazy over this Sage guy.

"Aba ewan ko. Kayo mag kaklase, sa 'kin mo tinatanong," dinig kong sagot sa kanya ni Sage. Naramdaman ko naman ang presensya ng pagsunod nila sa akin, mga ilang hakbang ang layo sa pwesto ko. Sinubukan kong bilisan ang lakad para hindi ako madamay sa zone ng mga nakamamatay na tingin.

"Itatanong ko ba sa 'yo kung nakita ko? Bobo nito," sagot naman ni Snowren na mukhang napalakas kaya kahit ang ibang babae sa hindi kalayuan ay narinig din. Narinig ko ang kapansin-pansing nilang pagv-violent reaction dahil mukhang hindi sila makapaniwalang sinabihan ni Snowren si Sage ng bobo.

"Hindi ko nga alam. Baka kasama si Deanne."

Nakatapak na ang isa kong paa sa corridor ng first floor ng SOB nang may lumambitin sa braso ko. I flinched due to surprise. I automatically looked at my side to see who it was. My eyes couldn't help but to twitch... My lips turned into a grim line.

"Hi, Memo! Hehe... long time no see! I miss you so much!" Nostalgia giggled and pressed her hands more on my arm. I took a deep breathe and waited for her to say whatever she wanted to say.

"I was just wondering if you can watch my audition for the Dance Club! I'm kind of nervous..." she pouted and gave me her puppy eyes. I tried to not roll my eyes and maintain my composure.

"I'm busy..." I answered lazily and forced her to untangle her grip on my left arm.

"Eh?! Just... five minutes of your time! Please! Sa Friday pa naman eh! 4:30 in the afternoon!" pilit niya at inalog-alog ang balikat ko. Puno ng pagsusumamo ang mukha niya na parang batang nagpapabili sa mama niya ng laruan.

"I'll check my sched..." Sinubukan kong alisin ulit ang mga kamay niya sa balikat ko pero inalog niya ulit ito.

"Please! Please! Please!" she pleaded and clasped her hands desperately.

No Campus Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon