NCR Chapter 41: Old Friendships

71 2 0
                                    

NCR 41: Old Friendships


"I regret everything I did in the past. Kung hindi lang sana ako naging duwag para harapin ang mga responsibilidad ko, hindi na sana pa nangyari ang mga ito. If only I did what I could in the past, Kendall would probably have not taken her own life. Her friends and family wouldn't be miserable like this... So... I told everything I know... and all I have said were true... So, please. Stop bullying Memoria De Asis... and stop calling Autumnielle a lunatic. Stop calling them names they don't deserve... Stop blaming them for this, especially, Memoria... The school, Reyes' family, my family, and I will discuss this matter privately...

"Thank you for your time. I hope that the words I've spoken today will help you reflect more. I hope you respect our own way of dealing with this problem. Totoong involved kayo kahit papaano rito dahil sa special rule. But please, let's mind our own businesses. Stop hating on Memoria... On the Student Council... Blame everything to me... and I'll do my best to face all the consequences... Again, this is Marcux Gallado."

I've been feeling better ever since I told everyone my side. But now hearing how Kendall's ex-boyfriend cleared things up more, there's nothing more I could wish. I'm still disappointed... of course. Because if we all played our part in Kendall's life more carefully, hindi na mangyayari pa ito. But this is life... We make mistakes... and we continue to learn. We have shortcomings... and we overcome them all afterward. We are not perfect but it does not mean we should not grow and reflect. I guess... this is life's cycle. It is scary... but we cannot avoid it as long as we are breathing.

Nagtama ang paningin namin ng mommy ni Kendall. She looked sorry and disappointed. She had already apologized to me... and their whole family. Nanghingi na rin sila ng patawad sa parents ko. As for Mom and Dad, wala naman iyong problema sa kanila. They are not Kendall's friends so they let me decide about it. Kung hindi ayos sa 'kin, hindi nila tatanggapin. Kung ayos sa 'kin, syempre tatanggapin nila. They believe that they don't have any say about this. So, to end this continuous mess I can't keep anymore, I forgave them and apologized as well for not choosing to solve this in private. I got really overwhelmed, but I was not being impulsive when I did that. I really have no regrets about speaking up for myself in public.

Biyernes na ngayon at masasabi kong sobrang daming nangyari sa loob lamang ng isang linggo. Walang katapusang meetings. Walang katapusang pagtanggap ng kritisismo. Walang katapusang pagpapaliwanag ng sarili. Pero masaya ako dahil ito na ang huling diskusyon sa isyung ito kasama ako at si Autumnielle. Ang pamilya na lamang ni Kendall at ng ex-boyfriend niya pati ang school ang mag-uusap. Kaya sana naman kahit papaano ay magawa kong hindi na masyadong mag-isip pa sa bagay na ito at hindi na sana kami pagpiyestahan pa ng mga estudyante.

"Let's talk outside."

Nabalik ako sa realidad nang magsalita ang katabi kong si Autumnielle. Pinihit ko ang ulo ko sa direksiyon niya at sinundan ang mga sumunod niyang kilos. Saka ko lang napagtanto na nagsi-sialisan na pala ang mga tao sa loob ng silid. Tanging natitira na lang ay ang parents ni Kendall pati si Miss Aphro na may pinag-uusapan sa malayo.

Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko at malayo ang tingin. Inatras ko naman ang inuupuan kong swivel chair at tumayo na rin. Walang lingon-lingon siyang umalis sa pwesto niya at kalmadong lumabas ng silid. Napabuntong hininga na lang ako habang sinasakbat ang bag ko. Nang maayos ko na ang sarili ko, isinuot ko na muli ang mask ko bago siya sundan sa labas.

Nandito kami ngayon sa conference room ng SOB, sa ikatlong palapag. Nakita ko siya sa corridor, nakapatong ang dalawang siko sa railings. Walang emosyon ang mga mukhang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagkakagulo sa baba.

Ginaya ko ang pwesto niya at tumayo ng may isang dipa ang layo sa kanya. Nang mapansing tahimik pa rin siya kahit ilang segundo na akong naroon ay pinagmasdan ko na lang din ang mga estudyante sa grounds ng campus. Mula rito ay kitang-kita kung gaano kaganda ang eskwelahan at kung gaano karami ang nag-aaral dito.

No Campus Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon