NCR Chapter 12: As a Student Leader

104 4 0
                                    

NCR 12: As a Student Leader

"Aba? Saan kayo galing?" salubong ni Dreamia habang kunot-noo kaming binalingan.

Pasimple kong sinilip si Sage sa tabi ko at umasang siya ang sasagot ng tanong. I don't mind to answer that question pero mahirap na kung magkaiba kami ng pagkakasagot. Nang mapansin kong hindi siya umiimik ay ako na ang humarap kay Dreamia.

"We went after someone. I thought it was someone I knew. I was just hallucinating," diretso kong sagot, sinadyang bigyan ng false hint si Dreamia tungkol sa kondisyon ko. She knows that I'm having hallucinations from time to time. I felt bad for lying and using that to cover up for someone but I couldn't afford to give her the truth. Mausisa si Dreamia... at mahigpit. Nahihiya ako na mas mahigpit pa siyang magpatupad ng rules sa 'kin. Sa oras na malaman niyang na-violate ang school rule, kahit pa nag drop out na si Nikita, bibigat naman ang punishment ng boyfriend nito.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko sila kailangang pagtakpan pero wala naman akong magawa kung hindi magtiwala sa mga desisyon ko. At naniniwala pa rin akong personal nilang buhay 'yon... Hindi dapat 'yon kino-control ng eskwelahan.

Nakita ko ang awa sa mga mata ni Dreamia kaya lalo akong na-guilty. Dreamia is one of my closest friends and I also consider her as my best friend... pero hindi pa ako ganoong kakumportableng mag open up sa kanya. I told her the things she needed to know about me... but not everything.

"Sage got confused and went after me... till we ended up outside Jasper's Village. I'm sorry for not saying anything... I won't do it again," patuloy ko at sinusubukang galingan ang pagpapaliwanag. Well, this is not something I should be proud of but I always lie to everyone... including myself.

"She ran too fast," Sage joked that just made Dreamia and Aurora chuckle. I tried to put an awkward smile to balance the situation. Sa huling pagkakataon ay sinilip ko si Sage. Nakatingin din siya sa 'kin at binigyan niya ako ng isang kalmadong ngiti. I just nodded at him... but deep inside, my heart was beyond grateful. I hope I can trust him about this.

We parted ways after chatting a bit. Padilim na rin ng oras na 'yon at kailangan na talaga naming magsiuwian. Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagkauwi ko. Ni hindi ko magawang kumain at magpalit ng damit. Sobrang dami ng bumabagabag sa isip ko at akala ko ay hindi na ako patutulugin ng mga ito. If only... I can understand other people's feelings well... I won't suffer like this... Bago ako tuluyang makatulog ay naalala ko ang mukha ni Nikita... at ang mukha ng isa sa mga importanteng tao sa buhay ko... God, I miss her so much...

Today is Monday. I tried to go to school as early as I can so I will have the time to rest up at the org room. Tahimik akong naglalakad papunta sa SOB nang mapansin ko ang tingin sa akin ng mga estudyante. It's like they want to tell me something but they couldn't. I slowed down and gave them a chance to go near me if ever there's really something they want to inform me. The atmosphere was worse than usual. It's kind of heavy...

Nakaabot na ako sa org room pero wala pa ring humabol sa 'kin at sabihin kung ano ang mga concern nila. Bigla tuloy akong kinabahan. Baka sangkot na naman ako. Wala akong matandaan na ginawa kong mali maliban sa pagc-cover up ko ng violations. Kung iyon man ang rason... lagot talaga ako nito.

Pumasok ako ng org room at nadatnan ang tatlo sa mga lamesa nila. Mukha namang normal ang mga ekspresiyon nila at mukha namang walang problemang nangyayari. Hindi ko maiwasang maisip na baka nag o-overthink lang ako pero hindi naman kasi ganoon ang trato sa 'kin ng mga estudyante. Hindi naman nila ako pinagtitinginan masyado. Tinanggal ko na ang mask ko at inayos ang bangs ko.

"Good morning, VPres!" bati ni Acer.

"Morning..." sunod naman ni Milky.

"Good morning! Zombie 'yan?" panunuya ni Dreamia.

No Campus Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon