Prelude

38.7K 1.1K 907
                                    

Fertilize



"Sigurado ka na ba talaga?" Adea asked for the nth time.


Nakahalukipkip siya habang nakamasid sa pigura kong nakaharap sa salamin. Nananantya ang tingin sa akin.


Huminto ang kamay ko sa paglalagay ng liquid mascara. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tanong niya na ito simula pa kanina.


I faked a sly grin.


"Bakit?" siningkit ko ang mga mata. "Concerned ka?"


Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. This cold ass!


"I'm serious, Seya. May oras ka pa para mag-backout."


Inirapan ko siya at nagpatuloy sa ginagawa.


"Hindi matutuloy ang kasal kung wala ang maid of honor," I uttered as a matter-of-fact while leaning in front of the vanity mirror.


"I can be your substitute." aniya na parang hindi iyon big deal.


I'll admit, her initiative is tempting. Mas gugustuhin kong takasan ang sitwasyon. Mas gugustuhin kong takbuhan ang lahat ng 'to. Pero hindi pwede. Hindi maaari. "Einj would be upset.."


Sa pabulong kong tinig ay saglit siyang natahimik. Sumeryoso ang tingin sa akin.


"She'll understand," aniya nang makabawi.


Umiling ako. "I can't miss my bestfriend's wedding. Ilang taon na 'kong nagtatago. Kahit ngayon man lang ay makabawi ako ay Einj,"


It's been years since I last saw them in person. My college friends. Si Adea lamang ang tanging nakasama ko sa mga nagdaang taon. How ironic. We don't even consider each other as a friend back then. Things just happened this way. The turnout of events was insane.


"How about him?" nguso niya sa kama.


Kusang lumipad ang mata ko sa repleksyon ng pigurang natutulog doon.


"Archer," dugtong niya na animo'y hindi ko pa nakukuha ang tinutukoy niya.


My eyes remained fixed on the boy who's sleeping soundly on the bed. Bahagyang naka-awang ang mamula-mulang labi habang mariing nakapikit ang mga mata. Walang damit pang-itaas.


Kanina lang ay may suot pa siya. Hindi ko namalayan kung kelan niya hinubad. Mas gusto niya talagang natutulog nang walang saplot. Kahit naka-full blast ang aircon ay tinatanggal niya ang shirt sa gitna ng pagtulog. Parang hindi tinatablan ng lamig sa balat. Manang-mana..


I cleared my throat to dismiss that appalling thought from my head. Halos pagalitan ko ang munting tinig sa loob ng estupidang isipan. Shut the fuck up.


"I already hired a nanny for the day," tugon ko bago nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.


"The rental ones?" ngiwi niya. "I told you, get a full-time one from a reliable agency already."


"Saka na. Ngayon lang naman 'to. I can still manage to look after him on regular days. Besides, that's what I want. Yung nasa tabi niya 'ko habang lumalaki siya. Ayoko siyang iasa sa iba."


I work freelance so I don't have problems managing my time. Wala muna 'kong balak kumuha ng permanenteng trabaho hangga't toddler pa si Archer.


Sa kabila ng katwiran ko ay giniit pa rin ni Adea na makabubuti kung kukuha na ko ng regular na mag-aalaga rito. Kontra sya sa ideya na kung sinu-sino ang iniiwan kong kasama ni Archer tuwing may lakad ako— na kung tutuusin ay minsan lang naman. Mas bihira pa sa pagkakaroon ng saysay ng gobyerno.

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon