11th

12.2K 594 345
                                    

Trust



I managed to win as an SSG representative. Panalo rin si Einj syempre. She got the secretary position. Landslide ang boto sa kanilang dalawa ni Elcid.


Our term as the newly elected Supreme Student Government officially started on the next school year. Grade 11 na ako at hindi pa rin makapaniwalang STEM track talaga ang pinasok ko.


"Buti na lang talaga dito kayo napunta! Naku! Siniguro ko talagang magaganda't gwapo ang nasa hawak kong section ngayon!" tuwang-tuwang wika ni Mrs. Marmeto kay Einj habang inuutusan kami. Bukod sa siya ang adviser namin ay siya rin ang teacher-in-charge ng SSG.


Everything still feels like a joke to me but I'm not complaining. Mas gusto ko rin namang sulitin ang pagiging high school. Balita ko kasi'y mas seryoso na sa college. Di bale na muna kung nasaang strand ako. Ang mahalaga ay masaya ko sa mga kasama ko.


"Let's split then? Ako na sa Grade 7, 10, at 12. Ikaw naman sa 8, 9, and 11." suhestyon ni Einj dahil yun ang magkakalapit ang building.


Sumang-ayon ako at naghiwalay na rin naman kami agad. This is my favorite thing about being an officer. Madalas kaming excused at wala sa klase. Kung anu-ano ang ginagawa namin imbes na mag-aral.


Inuna ko na ang mga grade 11 tutal ay nandito na rin naman ako. I started with the classroom next to ours. Ang alam ko ay dito ang klase ni Cal.


Nakumpirma ko iyon nang matanaw ko siya sa loob. Humihikab habang may nakatayong notebook sa desk na ang nakasulat ay 'TIME NA PO'.


Kumatok ako sa nakabukas na pinto upang kunin ang atensyon ng guro. "Excuse po, Ma'am.. Mag-aanounce lang po."


Hinayaan naman ako nito at pinatuloy. Mukhang sakto ring nakita nya ang nakabalandrang karatula ni Cal kaya't napatingin sa relo. Napailing-iling lang ito saka nangingiting nagpaalam paalis. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ni Cal sa mga teachers. Kulang na lang ay tropahin niya lahat ng guro sa UA&P.


Hindi naman ako nahirapan sa mga unang section na pinuntuhan ko bukod sa una. Pa-epal kasi si Cal. Sa ibang klase ay di rin nawawala ang iilang side comments habang nagsasalita ako sa harap.


"SSG tapos may kulay yung buhok?" bulong ng isa sa katabi sabay irap sa ash gray kong buhok.


Aware naman akong maraming may ayaw sakin sa school. For some reason, I often get that vibe from girls even outside the campus. Kung hindi nga 'ko kinampanya ni Einj ay tiyak na hindi ako maluluklok sa pwesto. Lalo pa't mainit ang dugo sakin ng mga kababaihan. Dalawang puntos nga lang ang lamang ko sa kalaban.


"Kung sino ang interesado, punta na lang dito sa harap para magpalista." pang-wakas na wika ko sa huling grade 11 section.


"Kiss muna!" hirit ng isang lalaki sa likod sabay halakhak. Nag-apiran pa sila ng pakiwari ko'y mga kaibigan niya.


"Sige, mamaya." patol ko rito at agad namang naghiyawan ang mga barkada nito kasabay ng pagtayo nung lalaki para magpalista.


Even his friends went in front to line up. Nang matapos at palabas na ko sa classroom nila ay talagang humabol pa ito.


"Kala ko ba may kiss?" dungaw nito sa pinto.


Hindi na ko huminto sa paglalakad sa corridor nang sagutin siya. "Joke lang yon, hindi ako humahalik ng paa sorry."


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon