27th

10.9K 572 153
                                    

All he has to know




"Maddie?" I scoffed at him. "Maka-Maddie, huh? Ang bilis naman ata ng first name basis nyo samantalang hindi mo nga 'ko matawag nang walang Ate?"


Aki's brow raised in interest. Hindi ko matagalan ang mga tingin niya na para bang binabasa ako.


"I thought you prefer it better that way.." nananantyang wika niya. "Maddie likes it when I call her by her name... Gusto mo rin ba?"


His hawk-like eyes were too much for me to handle.


Suminghap ako. "Of course not!"


Padabog ang pagpasok ko sa pinto ng classroom kaya't napatingin pa sakin ang mga kaklase ko. Miski si Maddie ay napahinto sa pagkukwento. Dali-dali nya kong hinila para isali roon.


"I was just saying na I kinda want to take Aki seriously instead.."


Laglag ang panga ko habang pinapakinggan ang litanya ni Maddie. Kulang pa ba ang gulantang ko sa lahat ng bagay nitong mga nakaraan? It's like there's always something to shock the hell out of me everyday!


"I swear! There's this sudden urge that makes me wanna take things slow... I don't wanna mess this up,"


Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ang lahat ng 'to mula kay Maddie. Kay Maddie! She's never this kind of person! Takot nga 'to sa long-term commitment! She's just all about the physical! Yet now she's suddenly talking about love!


"So what do you plan, then?" tanong ni Joy. "To keep this wholesome? No sex and shit?"


"Well... yeah," Maddie shrugged. Pabirong sumilay ang makahulugang ngiti sa labi niya. "Or atleast not on our first date.."


Hindi ko sigurado kung dapat ba 'kong mapanatag doon o ano. Sa huli ay pinili kong ilayo na lang muna roon ang isip. If Maddie's not thinking about taking advantage of Aki, then that's good enough for me.


Yun ang paalala ko sa sarili buong linggo. I did my best to keep my mind away from it the whole week. Tagumpay naman ako roon hanggang sa dumating ang araw ng Sabado. The D-day of their date.


Paggising pa lang ay ramdam ko na naman ang munting pagkabalisa. I checked the time on my phone while still lying on the bed. It's past noontime. Hindi na ko nagulat dahil ganito ang normal kong bangon tuwing walang pasok.


Bagama't tila walang gana ay pinilit ko pa ring kumilos. I need to atleast get myself out of the bed and do something. Kung hindi ay tiyak na maghapon lamang akong mag-ooverthink.


Joy:
Anong oras kayo magkikita?


Maddie:
Six in the evening >:)


Anumang pigil kong tumingin sa group chat ay hindi ko maiwasang makita ang preview ng bawat mensahe. Tuwing may bagong pasok na chat ay kusa iyong lumilitaw sa screen ko. I know I can choose to just mute the conversation but a part of me tells me not to.


I was successful in preparing a late lunch for myself. Sa sandaling oras ng pagluluto ay nalibang naman ako. Yun nga lang, habang kumakain ay binalot na naman ako ng katahimikan. I don't wanna give my mind a chance to drift somewhere disturbing again.


And so I found myself doing the only thing that makes me forget about my worries. I sipped my drink while going through my booty call contacts. Napili ko si Aaron dahil siya ang pinaka-una roon.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon