3rd

15.7K 692 142
                                    

Demand



Halos wala na ko sa wisyo matapos iyon. Muntik pa tuloy akong mapaigtad nang magsimulang umandar ang motor ni Dax.


"Hey.." sa kabila ng maingay na ratsada ng makina ay maingat niyang inabot ang kamay kong nakakapit sa likod ng motor para ipulupot sa kanya. Marahil tsansing na naman pero hinayaan ko na. Lumilipad pa rin kasi ang isip ko.


Maging sa pagpasok sa school ay tila wala akong gana. Naalala ko rin kasi ang nangyari kahapon. Tiyak na hindi na naman ako tatantanan ng mga seniors at pag-iinitan na naman ako. Umay. Lintik lang ang walang ganti matapos ang harap-harapang pagkapahiya nina Ivy sa tapat mismo ni Dax. Doble-doble pa naman magbalik ang mga iyon. Paniguradong pagtutulungan na naman ako.


But maybe today is an exception.


"Kanina ka pa linga nang linga. Ano bang inaabangan mo?" ani ng katabi kong si Katrina.


Nakapangalumbaba pa ito habang nakatunghay sakin. Umangat ang kilay ko.


"Wala kang pake. Ba't kasi ako na naman ang binabantayan mo?" soplak ko sa kanya. Sanay naman na sya sa ugali ko.


Ni hindi man lang sya bumitiw sa pagkakatitig sa mukha ko.


"Iniisip ko kasi kung anong shade ng make-up mo." buntong-hininga niya. "Bago ba yan? San mo nabili?"


Humalukipkip ako.


"Alam mo minsan iniisip ko, kaya mo lang siguro ako kinaibigan dahil ang ganda ko." I sighed dramatically.


Dito sa klase ko ay siya lang ang nakakausap ko. Nagiiba-iba kasi ang section kada taon at wala talaga kong masyadong kaibigan. Ganon talaga pag maganda. Ang daming naiinggit kaya kaaway mo ang lahat.


Oddly, matiwasay namang lumipas ang maghapon. Natapos ang mga klase ko nang walang rambulang naganap. Hindi nagparamdam ang mga kampon ng impyerno kaya't hindi naghalo ang balat sa tinalupan.


Nung una'y hindi pa ko mapakali dahil pakiramdam ko'y may mali. Saka lang ako natahimik nang sumapit ang uwian. Sa kalagitnaan ng phone call namin ni Dax ay nalaman ko kung bakit tahimik ang araw ko.


"I told them not to mess with you anymore. I can't believe they're even doing that in the first place. Anyway, lapit na ko sa room mo. Let's decide where to eat once I get there,"


Inimis ko na ang mga gamit sa bag at nilabas lamang ang pouch kung nasan ang suklay at iba pa.


"Huy, san ka?" agap ni Kat nang tumayo ako. "Uwi na?"


Umiling ako. "Restroom break muna. Pabantay ng gamit, parating na rin naman si Dax para sunduin ako."


Pumunta muna ko sa comfort room nang yun lamang ang dala. Hindi naman ako naiihi pero gusto ko lang mag-ayos bago umuwi. It's like my routine to check myself out after classes. Madalas kasi ay kung saan-saan pa kami gumagala ni Dax pagkagaling sa school.


Hindi na rin naman ako masyadong nagtagal at bumalik na rin sa classroom. Naabutan ko na sa labas noon si Dax habang nakaabang sa hallway.


"Kanina ka pa?" salubong ko sa kanya.


"Kakarating lang. Kukunin ko na sana ang bag mo kaso nakasarado yung room nyo,"


Tumango ako at pinihit na ang pinto ng silid namin dahil hindi naman iyon nakalock. Wala na ngang tao at mukhang nag-uwian na ang mga kaklase ko. Nagulat lang ako na pati si Katrina ay wala na roon. Binilin ko pa man din sa kanya ang gamit ko.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon