22nd

10.8K 559 93
                                    

Hinahapo



Firm arms snaked around my waist, securing me in place. Halos mapa-ungol ako nang madama ang pag-angat ng paa mula sa sahig. My butt pressed against the laboratory table.


The hot and steamy kisses are making it hard for me to catch my breath.


"Shit," Gian cursed when the room lights suddenly opened. I'm not sure if it's Gian or Jian. Basta't iyon ang naririnig kong tawag sa kanya ng prof tuwing recitation.


Agad kaming napaayos ng sarili para magtago dahil sa pagdating ng kung sino.


Hinihingal pa ko habang nakasilip sa siwang ng divider. It was the maintenance guy. Nakita ko ang paglibot ng tingin nya sa lugar bago sinara ang mga naiwang bukas na bintana. Maging ang nasa likod ko ay rinig ko ang mumunting paghahabol pa ng paghinga.


Nang marinig ang pagsara ng pinto tanda ng pag-alis ng school personnel ay pareho kaming napasandal sa dingding. I sighed in relief as I slowly button my top.


"Later?" tanong niya habang binubulsa ang phone. "Nangungulit na yung tropa ko. Manonod pa kasi kami ng laban sa gym,"


"Anong meron?" tanong ko habang inaayos ang ID lace. Kulay pula iyon para sa mga first year na tulad ko. Kahit wala kaming uniform ngayong college ay may palatandaan pa rin ng antas.


"Judo match. Yung Leyva sa grade ten na raw ang nakasalang,"


My hands slowed down as I fixed my skirt. Bumagsak ang mata ko sa sahig at tamad na dinampot ang bag. Ganun din naman sya.


"Tawagan kita? I don't have your number," aniya nang mapagtanto iyon. Hinugot niya ang phone at nilahad sa akin.


Matabang akong tumikhim bago umiling. For some reason, bigla 'kong nawalan ng gana. "May lakad nga pala 'ko mamaya,"


He didn't buy my excuse. Well, hindi naman yon totally excuse lang. It was partially true. May lakad talaga 'ko mamaya. Tandang-tanda ko pa kung pano 'ko pinagbantaan ni Einj kapag hindi na naman daw ako sumipot sa usapan namin mamaya.


"I swear, kapag wala ka pa rin mamaya, magkalimutan na tayo! Ba't ba kasi ayaw mong pumunta sa bahay? May maid ba na nagsungit sayo? That's impossible! Mababait lahat ng housemaids namin!"


I can't blame her for being frantic though. Isang taon ba namang panay ang tanggi ko sa pagtambay sa kanila. Lahat na ata ng klase ng palusot ay nagamit ko. Huling punta ko roon ay bago pa ang Mr. and Ms. UA&P pageant last year.


Right. That event was a blur to me. Isa lang ang malinaw. Sa araw na yon ay siniguro kong iparamdam kay Aki na hindi lang basta imposible ang gusto nyang mangyari kundi nakakadiri para sa akin. I know there's no other way to make him stop other than being harsh.


Aki may be a little more matured for his age but he can still be so damn stubborn sometimes. Bata pa talaga. Hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Kung sinabi ko noon na hindi ko sya papatulan dahil lang bawal, alam kong magmamatigas pa rin sya. Ang tanging makakapagpahinto lang sa kanya ay ang kaalaman na hindi ko kayang sikmurain ang gusto niyang mangyari. No other people's consent would matter to him but mine.


It was hard to completely evade any possible interaction but I was able to make it through. Hindi naging madali lalo pa't matalik na kaibigan ko ang mismong Ate nya. The fact that I was able to do it for a year is already a big win.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon