31st

12.4K 678 313
                                    

Kiss on the cheek



Isang buwan na ang nakalipas nang sabihin iyon sakin ni Aki.


Isang buwan niya na rin akong hatid-sundo sa condo. Ngunit sa bawat ginagawa niya, hanggang ngayon, pakiramdam ko'y wala pa rin ako sa wisyo. Tila nakalutang pa rin ako.


Inaabangan ko na lang may manampal sakin sa gitna ng pagtulog at sabihing binabangungot ako. Na prank lang lahat ng 'to. Everything still feels surreal to me.


"Seya? Nakikinig ka ba?"


"Huh?" napaayos ako ng upo. "O-oo,"


Naabutan kong nakatingin sakin lahat ng mata sa round table. We are having a meeting on what booth to put up for foundation day. Maswerte ang grupo namin dahil anak ng teacher ang lider kaya't nagagawa naming magtipon sa isa sa mga mini conference halls ng school.


"It's settled, then." baling sakin ni Phoebe. "Ikaw na ang assign sa paghahanap ng magiging center of attraction ng booth natin,"


Napanganga ko habang nagliligpit na sila ng lamesa. I didn't catch that! Sana pala'y tumanggi na lang ako nang tanungin kung nakikinig ba!


Kanina kasi ay usap-usapan na si Davion daw ang tatao sa booth ng kabilang grupo. Kinontrata na raw ito ni Lyric— na tingin ko ay fuck buddy nito ngayon. Davion isn't even in the same class with us but they said it wouldn't be a problem. Pwede raw mag-import ng kahit na sino. Ang importante, mabenta.


"Si Einj na lang kaya?" tanong ko sa kanila habang papalabas.


"Booked na rin iyon panigurado! Isa pa, mas malakas ang hatak pag lalaki. Majority of the UA&P population are girls so.."


Well, she shouldn't underestimate Einj's charm. Miski mga babae ay nauulol sa isang iyon.


Napabuntong-hininga na lang ako. My groupmates also groaned right after seeing the pouring rain outside. Yun ang bumungad samin paglabas. Wala pa man din akong dalang payong. It didn't seem like it was going to rain earlier. Ang taas pa nga ng sikat ng araw kanina.


Mukhang hindi lang ako ang may ganoong problema. Panay rin ang daing ng iba dahil may next class pa. Napatingin ako sa oras. Sa lakas ng ulan ay tiyak na mahuhuli ako sa sunod na klase kung hihintayin ko ang pagtila. I sighed.


Natigilan lang ako nang mag-vibrate ang phone.


Achelous Dwayne:
It's raining. Are you still at the hall?


Tipid akong tumikhim bago nagtipa. He knows about the meeting since he already asked about my plans for the day earlier.


Seya:
oo, kakatapos lang ng meeting


Achelous Dwayne:
Did you bring your umbrella?


Napanguso ako.


Seya:
no, i'll just wait until the rain stops


Hindi na siya nag-reply doon pero nagsimula na naman akong kabahan. Pakiramdam ko'y may mangyayari na naman. Para 'kong laging aatakehin sa puso dahil sa kanya. Wala kasing pasabi at preno sa lahat ng ginagawa. Typical Aki.


"Uy oh, kapatid ni Einj.."


Hindi nga 'ko nagkamali. Kalaunan ay natanaw ko ang pigura niyang patungo sa kung saan kami nakalilim. He looks so clean and sleek in his high school uniform under that umbrella.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon