29th

11.5K 648 393
                                    

Everyday




Hindi ko alam kung bakit si Aki ang unang sumagi sa isip ko.


I don't wanna assume. Dahil the last time I did, puro mali pala ang akala ko. Hindi pala si Davion ang naglagay ng red velvet crinkles sa bag ko. Hindi pala si Aysen ang nagtalukbong ng kumot sa akin. Ang lakas pa ng loob kong isiwalat ang mga 'yon, mali naman pala!


Nakakahiya! Never again! Mamaya niyan si Einj lang pala ang nagpadala nito, kung sinu-sino na naman ang pinagbibintangan ko!


Sinubukan ko namang tanungin si Cal kung kanino nanggaling ang pagkain ngunit panay lamang ang makahulugang ngisi nito.


"Kanino pa ba? Edi sa bata ko," tanging sagot niya.


Umikot ang mata ko pero ang totoo'y nakaramdam ako ng munting pintig sa loob ng dibdib. Masyado naman na sigurong matanda si Einj para maging bata ni Cal?


A voice in my head is telling me that it's really from Aki.


Yun ang laman ng isip ko maghapon. Breaktime came and my groupmates were bummed about their lame snacks. Habang tila may paru-paro naman sa tiyan ko habang mabagal at tahimik na kinakain ang akin.


I checked my phone for the nth time today. Still no signs from Aki. I wonder why he didn't even text me anything. I mean— if the food really did come from him, shouldn't he atleast say something?!


Like what, Seya? Eatwell? Damn. Abusado ka naman ata masyado!


Pinilig ko ang ulo. Well... ano pa nga bang inaasahan ko? Si Aki nga pala ang pinag-uusapan dito. He's so damn hard to read.


Nakauwi na ko nang magsawa sa kakatingin sa telepono. Kaya naman nang magpapahinga na at maabutan ang isang mensahe sa phone ay halos mapabangon ulit ako kahit kakahiga pa lamang.


Achelous Dwayne:
Did you get your car back?


It must have been the abrupt movement that caused my heart to pound this fast. Huminga muna ako at inayos ang pagkakalapat ng likod sa kama bago nagtipa.


Seya:
not yet.. nasa pagawaan pa rin


Tumikhim ako sa panibagong palusot. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin nakukuha ang sasakyan sa tinitirhan ni Aaron. I'm still scared by the thought of getting anywhere near his proximity.


Achelous Dwayne:
How would you be going home from school then?


Achelous Dwayne:
It won't be safe to commute if your last class ends late


Napanguso ako sa dalawang magkasunod niyang mensahe. Inisip ko pa kung babanggitin ko ba ang tungkol sa meryenda kanina ngunit ano namang sasabihin ko? Salamat? Mahabagin, wag na lang! I'm sure he'll wonder what made me think that it came from him in the first place! Pag nagkataon ay assumera na naman ang labas ko!


Seya:
it's fine, I don't have a class that lasts until dusk. Maglalakad-lakad na lang muna ko pauwi. Walking distance lang naman ang condo ko sa school


I didn't receive a quick response after that. Nag-browse muna ako sa social media pansamantala. Ngunit dinalaw na ko ng antok at lahat ay wala pa rin akong natanggap na reply.


Well, I guess that's it? Dammit. Bakit parang hindi ako mapakali? Para yun lang?!


Laking pasasalamat ko na lang at nakatulog pa rin naman ako kalaunan. I woke up the next day with a clear vision in mind. Sa susunod na mag-message si Aki, hinding-hindi na 'ko magrereply sa kanya! Ha! Akala niya, huh? Siya itong nangunguna tapos ako pa ang iiwan niyang naka-abang?! Pwes, manigas sya!


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon