14th

11.8K 655 566
                                    

Childish



"Alam niyo kasi... ang mali sa inyo, masyado kayong pa-fall!" I reprimanded the guys before taking my shot.


May problema pala kasi sa babae si Davion. Or more like yung mga babae ang problemado. Lumalalim na ang gabi at dito na humantong ang usapan dahil sa nabanggit si Einj. She mentioned about her orgmate breaking down to her earlier and it was all because of Davion.


"Kayo, kayo, kayo!" turo ko kila Aysen. "Pare-pareho kayo! Naku! Mga paasa! Tapos sa huli maang-maangan kayo! Kunwari sadyang mabait lang? Pwe!"


Syempre malakas lang ang loob kong magligalig dahil wala si Elcid sa eksena. Saktong bumaba ito para magtungo sa kusina. Kami-kami lang ngayon ang nandito nila Cal, Adea, Einj, Aysen, at Davion.


"Linawin niyo kasi mga galaw niyo, wag niyong gawing manghuhula ang mga babae—"


"Lasing na ata 'yan. Patahimikin nyo na." naiingayang wika ni Adea sa isang tabi kaya't sinamaan ko ito ng tingin.


"I think it's the other way around, Seya." kontra ni Davion. "I am always clear with my intention. Sila kamo ang mahirap espelengin. Girls are just so hard to predict.. Basta ako, I never do things na hindi ko kayang pangatawanan."


"Sus! Aminin niyo na, malalandi lang talaga kayo!" suminghap ako at tinuro ang barbecue stick kay Davion nang may maalala. "Dati nga nilagyan mo 'ko ng isang buong container na puno ng red velvet crinkles sa bag eh!"


"Awatin niyo na Einj, lasing na yan." rinig ko uling singit ni Adea sa gilid pero nagpatuloy ako.


"Tapos ikaw!" tinapat ko naman ang barbecue stick kay Aysen. "May pakumot-kumot ka pang nalalaman sakin nung nakatulog ako sa sofa! May syota ka naman pala!"


Ha! I can't believe I'm letting all of these out now. Is it the alcohol? Perhaps the liquid courage is taking over me. Ang luwag sa dibdib, in fairness. I didn't know it would feel like this.


Don't get me wrong though, I have nothing against them. Wala na rin naman sakin ang mga nangyari, jusko! Pakiramdam ko nga napakatagal na ng mga yon! Ang sarap lang talagang may masabi para gatungan ang pang-bubwelta sa kanila.


"I know you guys are just being kind or whatever," my eyes exaggeratedly rolled as I made a face. "But that's exactly why girls often get the wrong idea. Ang akin lang, wag na kasi kayong magbigay ng motibo kung wala naman kayong interes sa tao—"


"Wait, what?" lukot ang mukang putol sakin ni Davion, nalilito. "Kelan ako naglagay ng red velvet crinkles sa bag mo?"


Napairap ako. "Last year, I think? Basta nung naglaro tayo sa inyo—"


"No way, Seya." tila natatawang tanggi niya. "I don't remember doing such thing,"


Agad sana kong bubwelta ngunit mabilis niya ring nadugtungan ang sinabi.


"Sigurado ka bang ako? Nakita mo?"


Binuka ko ang bibig ngunit natigilan din. Walang lumabas na salita. Unti-unti kong napagtanto na hindi ko naman talaga natunghayan na siya nga ang nagsilid noon sa bag ko.


Namutla ako sa reyalisasyon. I can hear Calcifer slowly bursting out of laughter in the background.


Dahan-dahan kong binalingan si Aysen. He looks apologetic as he gently gave me a small smile.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon