18th

11.5K 692 483
                                    

For the first time



"Hindi kayo sabay ni Shai?" tanong ko kay Cal pagsapit ng recess.


Karaniwan kasi ay kumakaripas agad ito palabas para pumunta sa classroom ng girlfriend. Ngayon ay nagagawa niya pang mag-fastbreak para magtapon ng papel sa basaruhan.


"She didn't go to school today," aniya at umisa pa habang padaan ako. Sa gulat ay halos madamba ko siya. He cracked into laughter.


Asar ko siyang tinulak saka nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng room. Kala mo naman talaga mala-MVP ang galawan! Mahina naman pagdating sa court! Nakita ko sila maglaro nang minsa'y mahila ng seniors kaya alam ko. Pasalamat na lang talaga at gwapo sila ni Davion. Yun lang ang masasabi ko.


"San ka?" sa gitna ng halakhak ay narinig ko pa ang pahabol niyang tanong.


Sa sports hall ang punta ko kung saan kami kumakain ni Aki. I was supposed to tell him that but I halted. I don't know why. Natutop ko ang labi bago nag-iwas ng tingin.


Sa halip ay tipid ang sagot ko. "Sports hall,"


Hindi ko na siya binalingan pang muli nang tuluyang umalis. Knowing Cal, I can almost picture his brow lifting at that.


"Can you believe that? Bago pa lang sila but Maddie's already making his boyfriend draw distance from a friend. Dahil lang babae raw at nagseselos siya!" I spilled.


Aki's reaction was hard to read as usual. Mabagal pati. I can't even bite my food in suspense. Kahit ganyan siya madalas ay ewan ko ba at sa kanya ko gustong-gustong ibahagi ang mga ganitong bagay. He doesn't even have anything to do with any of this!


You know what? Maybe it's that. The fact that he doesn't give a fuck.


Nilapag niya ang sariling inumin. It's like he's always careful in processing everything. Hindi naman na kailangan. I just want him to agree with me here!


"What did the guy do?" instead of backing me up, that's what he said instead.


Umayos ako ng upo para bumwelo, making sure I'll get to have him on my side this time. I've never been more insistent than this.


"He gave her what she wanted! Hindi ako makapaniwala! Bakit niya lalayuan ang kaibigan niya dahil lang sinabi ni Maddie? That's ridiculous!"


I was so into it. Hindi na matinag. Halos mapakapit sa pwesto habang naka-abang sa reaksyon niya.


Higit-higit ko ang paghinga nang tumikhim siya.


"I'll probably do the same.."


Nalaglag ang panga ko.


"What?"


He lazily shrugged. "I'd rather stay away from another girl than lose my girl, Seya. Kung dun siya mapapanatag, bakit hindi?"


The way he uttered the first sentence made me pause. Saka lang ako nakabawi nang maproseso ang sinabi niya. Tuluyan nang napanganga.


Ganito ba mag-isip ang mga lalaki? Napailing-iling ako habang awang pa rin ang labi. Hindi. Malinaw na hindi dahil marami akong kilalang lalaki at masisiguro ko yun. Walang papayag magpakontrol. Itong nasa harap ko lang ata ang kinulang sa sustansya. Ano bang gatas nito nung sanggol pa at iiwasan ko pag ako nagkaanak.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon