5th

15.5K 697 425
                                    

Natikman



"Anong meron?" tanong ko kay Einj nang makita ang kumpol ng mga estudyante sa lobby ng main building.


Pauwi na kami pero aniya'y dumaan nga raw muna kami rito. I can see why. Nakatao sa unahan ng pila ang mga kaibigan niya. Few months in UA&P and I already figured out that most of her friends, including Einj herself, are part of the student council. They quite got the influence.


Nalaman ko ring hindi lang sila basta magkakaibigan. They all live in the same neighborhood. They practically grew up together. All of them. Tuwing sinasama ako nila Einj sa Calle Nueva ay tila gusto kong doon na lang din tumira at wag nang umuwi pa.


"Early registration for Senior High. I told you, right?"


Bago pa ko makapalag ay hinila niya na rin ako para pumila. Ni hindi pa kami nakakahinga ay may bumati na agad sa kanyang mga kakilala. Everytime I see Einj smiling and chatting brightly with everybody like this, I still can't believe that I got to befriend her. I don't know, it's just that.. she's always shining that she seems unreal to me sometimes.


"Singit na lang tayo," tamad na pandedemonyo ko nang matantong malayo pa kami sa pila. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang ngalay.


Kaibigan niya naman ang nag-aasikaso sa frontdesk kaya't pwedeng-pwede niyang bulungan. Suminghap si Einj at sinaway lamang ako. Madrama niya pa 'kong pinanlakihan ng mata.


Habang dinudungaw ang mga paskil sa unahan ay kyuryosong humaba ang leeg ko. I noticed that the lines are sorted based on strands.


"STEM?" anas ko bago bumaling kay Einj. "We're lining up for the STEM track?"


"Hmm? Yeah, Cal and Davion are taking STEM. Everybody, actually. Even Adea." aniya habang may ka-text.


Kung san ang mga kaibigan ay dun na rin daw siya. Nagtaka pa ko dahil akala ko'y may balak din siyang mag-Arts tulad ko. It turns out that her Dad's kinda convincing her to go for Management so she's still disoriented for college. Kaya ngayon ay kahit saan na lang daw muna.


"High school pa lang naman. Saka na ko magpapa-stress." dagdag niya pa. "For the mean time, go with the flow lang muna 'ko."


Natawa pa siya nang bahagya. Nagkibit lang din ako dahil wala pa ring masyadong pake at plano.


"Ikaw ba? Tara, sama ka na samin. Masaya naman daw sa STEM. Ang mahalaga damay-damay tayo," hagalpak niya.


Hindi na rin naman ako nagdalawang isip at nagpadala lang sa panghihila.


Nang turn na ni Einj sa pila ay lumipat ang tingin ko sa kaharap niya. Napahinto sa paggala ang mga mata ko.


Clean-cut hair. Spotless white polo. Walang anumang gusot. Plantsadong-plantsado.


Kahit ilang buwan ko nang nakakahalubilo ang grupo nila ay isa lang ang sumasagi sa isip ko tuwing nakikita ko siya. Ang unang tagpo namin. The moment he saved me from the sprinting bicycle.

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon