13th

11.6K 661 626
                                    

Immature



Mabilis talagang lumipad ang balita. Bulung-bulungan agad ang tungkol sa naging engkwentro sa canteen kamakailan. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit malayo na sa katotohanan ang mga kumakalat. Buhay na buhay pa rin ang chismis kahit ilang araw na ang nakalipas.


"Nahuli raw kasi kayong naghahalikan! Kayong dalawa ni Aljhay! Yun ang usap-usapan!" nagkukumahog na wika ni Naomi.


Halos tumirik ang mata ko. I can't believe how twisted the rumors can be. Laglag ang panga ni Joy at may tumakas pang mura sa bibig. Maddie turned to me.


"Hindi naman totoo yun diba?" inosente niya 'kong tinitigan.


My lips parted.


Hindi ako makapaniwala kung gaano kasinsero ang nakikitang kyuryosidad sa mga mata niya. Nilipat ko ang tingin sa mga kasama at naabutan ang parehong ekspresyon mula kay Naomi. Joy can't even look at me.


Napanganga ako.


"Of course not!" I exclaimed. I've never been this offended my whole life. "Do you really think I can do that?"


Malandi lang ako pero hindi ako naninira ng relasyon!


Natahimik sila. Tumikhim lamang si Naomi. My mouth went agape at their lack of response.


Maddie then shrugged. "I was just asking! Hindi ka naman kasi namin laging kasama so..."


Walang lumabas na salita sa nakangangang bibig ko. Miski sila Naomi ay walang kibo, tila sang-ayon sa narinig. I was internally furious. I keep on opening my mouth to say something but nothing comes out. I was way too infuriated. Hanggang sa dumating na lang ang guro at wala nang nangyari. Nag-iwas lamang sila ng tingin.


Don't get me wrong. I don't really care at other people's perception of me. Kung masama o mabuti, totoo o hindi, wala akong pakialam. Lalo na kung hindi ko naman sila kilala. Pero ibang usapan na yung pananaw ng mga malapit sakin. Hindi ko masikmura na ganun din ang tingin nila sakin.


Aljhay:

Seya, I heard what happened. Sorry about Moniqa. Matagal na kaming wala yet she keeps on leeching on me.


Aljhay:

San ka ngayon?


Gusto kong sukahan ang telepono ngunit matindi ang pagpipigil ko. I've been searching on how to slap someone through the phone.


Ibang-iba na ang dating sakin ng mga mensahe ni Aljhay ngayong nalaman kong may nobya pala sya. Nakakasuklam na nakukuha niya pang ipagpatuloy ang gawain matapos ang naging engkwentro.


Buti na lang ang ay nag-aya sila Davion sa Calle Nueva kinahapunan. Pampawala man lang ng badtrip pansamantala. Kumpleto ang grupo sa bahay nila Einj. They'll be setting-up some booze and beer in the rooftop. New friday habit daw dahil legal age na ang lahat maliban sa dalawang babies.


Pagpasok pa lang sa main door ay agad dumapo ang mata ko sa isang pigura. Tanaw kong tumutulong ito sa pag-asikaso sa kusina. Hanggang sa labas ba naman ng eskwelahan ay punong-abala pa rin siya.


He went out from the kitchen carrying some trays with Adea. Lumihis papunta sakin ang mata niya kaya't nahigit ko ang paghinga. His brow subtly shot up. I'm not sure if it was to mock me or to recognize my presence.


Saglit lang iyon dahil bumalik ang atensyon niya kay Adea nang kausapin siya nito. Pinanood ko ang pagpihit nila paakyat sa hagdan hanggang tuluyang mawala sa paningin ko.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon