30th

12.8K 711 349
                                    

Hindi pa ba obvious




Aki wasn't lying when he said he wanted to have turon everyday.


Isang linggo na siyang sumasabay sakin pauwi. Isang linggo na rin siyang sumasabay magmeryenda sa tapat ng condo. The afternoon walks are slowly becoming a part of my daily routine. Halos mawala na nga sa isip kong may sasakyan pa pala 'ko.


Achelous Dwayne:
Good afternoon. What are you doing?


I bit my lip. Sabado ngayon kaya't heto ako at nakahilata lamang sa sofa habang nanonood ng sitcom. Umikot ako padapa bago nagtipa ng reply.


Seya:
notching much.. just watching TV


Nabitin sa ere ang daliri ko pagkapindot ng send button. A part of me wants to know what he's doing too. Yun nga lang ay hindi ko magawang magtanong.


Achelous Dwayne:
Alright. Enjoy :)


Napabuntong-hininga ako.


I don't know... He makes it seem so easy easy to ask. Samantalang ako ay hirap na hirap. I'm afraid it's inappropriate for me to do so.


Achelous Dwayne:
I'm at the basketball practice right now, by the way. I know you didn't ask but I just want you to know.


Napaawang ang labi ko sa bagong pasok na mensahe.


My heart skipped a beat when another notification popped up. He sent a photo of the basketball court they're at. Kita pa ron si Davion na nagfi-free throw pero mukhang mintis naman.


Napanguso ako. Hindi naman ako nagtanong. Wala naman akong hiningi. Bakit todo-bigay ka, Achelous?


Ang mga munting kulisap sa tyan ko ay hindi na nawala maghapon. Umabot pa nga hanggang sa sumunod na araw. It's not like this is the first time though. He's been subtly giving me updates without being asked these days. For some reason, I feel kinda giddy and at peace whenever he does that.


"Seya,"


Umangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko sa desk. Maingay sa classroom dahil vacant ngunit malinaw kong narinig ang pagtawag ni Joy sa pangalan ko. Naabutan ko siyang nakatayo sa tapat ko.


"Nagpalit daw ng number si Aki?" umangat ang kilay niya nang magtanong.


Tumikhim ako. Biglang nakaramdam ng munting kaba. Yung pangit na klase ng kaba. Aki's the only who gives me the good kind.


"Oo,"


Nabanggit niya sakin ang tungkol doon habang pauwi noong Friday. He said Maddie keeps on bugging him thru texts. Nagawa niya nang i-block ang numero nito ngunit gumamit lamang ng panibago.


"Really? Can I have his new number?" aniya saka nilahad sakin ang telepono.


I don't know why I've always find Joy intimidating. Sa kanilang tatlo, si Maddie ang tumatayong leader pero kay Joy ko ramdam na nanggagaling ang ganong ere ng kapangyarihan. It must be her deep and serious eyes. They almost seem suspicious.


Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman sakin iyon para basta lang ipamigay.."


Sa narinig ay humalukipkip siya.


"Binigay mo nga sa kapatid ni Charlotte dati," her brow arched.


Hindi ako nakasagot. Totoo naman. I was hoping she wouldn't bring that up but she did anyway. Talagang tanda niya pa kahit ang tagal na.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon