23rd

10.7K 543 93
                                    

Sumbong




In my defense, I knew I was just stunned. I didn't see him for a long time so it's pretty normal to be taken aback. Lalo na't malaki ang ipinagbago niya.


Pero yun lang 'yon. He may have gotten more physically matured but that doesn't change anything. He's still Aki.


Besides, it's not like his built was so over the top. I've seen way way better! Right! Yun ang kumbinsi ko sa sarili ko.


I can't believe I gasped at the sight of his body! My god!


"Zaldua! Tatakas ka na naman?" halos mapatalon ako sa saway ng class representative. Natigilan ako sa paghakbang. "Balik sa pila!"


Minwestra niya pa ang kamay sa linya sabay singhal. Umikot ang mata ko. Kung maka-akto naman ito ay para kaming elementary at hindi kolehiyo.


"Hindi naman required ang pag-attend sa film showing ah? Yung may gusto lang naman daw ng incentives ang pinapapunta. Bawal ba 'kong mawala ron?" sarkastikong halukipkip ko.


"Pwede naman. Pero yung tatakas ka para gumawa na naman ng kung anong kababalaghan sa bawat sulok ng campus, yun ang bawal. Pag nahuli ka, pati kami damay na naman! Larga na!"


Wala na kong nagawa nang umandar na ang pila. It's not like I always really wanna run from school activities. Nasanay lang akong maging mailap sa mga general assembly tulad nito. Lahat kasi ng year level ay kasama pati na ang mga junior high. A year of avoiding Aki got me accustomed to ditching these kinds of events.


"Dito, first year!" turo ng usher sa nakatakdang pwesto para samin.


May ibang sections na sa paligid noon. Sa nakakurbang seating arrangement ay halos dulo na kami. Pagkaupo ay kaswal na dumirekta ang mata ko sa harap.


Natigilan ako nang mapagtantong mga grade ten ang nasa kabilang dulo ng kurba. Malayo man ay malinaw dahil tapat na tapat namin sila.


"May nakaupo rito?"


Umangat ang tingin ko sa nagsalita. Hindi ko kilala ang lalaki ngunit palagay ko'y first year din tulad ko dahil pamilyar. Umiling ako at sinabing bakante ang pwesto sa tabi ko. Kalaunan ay may mga sumunod din sa kanya na marahil ay kaklase niya naman. Nag-CR kasi ata ang usher.


My gaze went back upfront. Dumapo ang mata ko kay Aki. Nasa gitna ang mata niya kahit kausap ni Nathan. Magkaklase pa rin pala sila. Natigilan pa ko nang bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Aki sa kung anong sinabi ng katabi. Tumaas ang kilay ko.


"Anong course mo?" the guy beside me started a conversation.


Nagkibit ako at nagdesisyong ibaling na nga lang ang atensyon sa katabi. "AB Multimedia Arts,"


Nakumpirma kong nakasalamuha ko na nga sya dati dahil naging magkaklase kami sa isang GE class noong nakaraang semestre. Earl ang pangalan. He was pleasant and definitely a smooth talker. Nalibang naman ako.


Sa kahabaan ng palabas ay hindi maiwasang lumihis ng tingin ko sa pwesto ng mga grade ten. Naaabutan kong nakatuon si Aki sa panonood. Paminsan-minsa'y nangingiti ngunit kadalasa'y seryoso.


Hindi kailanman nagtama ang mata namin. His gaze never went this way. Tiyak kong alam niyang narito ang mga first year college. His eyes could have wandered here if he wish to.


Tanda ko pa noon kung paano ako sundan ng tingin niya parati. Ngayo'y hindi man lang naliligaw ang mata niya sa banda rito. Well... I shrugged. Tama lang 'yan.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon