Chapter 18

2 0 0
                                    


"I want to go with him!, mom" I told mom habang naguunahan sa pagbagsak mula sa aking mga mata ang mga luhang kahapon pa walang tigil sa pagbuhos.

Hindi ko na alam kung ano na ang itsura ko o kung sino ang mga lumalapit sa akin para aluhin ako since yesterday.

Dahil ang gusto ko lang ay ang makasama si Gino anuman ang mangyari.

"Are you out of your mind, Alona?" mom said habang hawak nya ang kanyang noo at nakatayo sa harapan ko.

"M-mom, I...I want to go w-with him," I told her with finality.

Kahit anong mangyari hindi ako aalis sa tabi nya, dahil ngayon ako mas kailangan ni Gino.

Ngayon nya ako kailangan. Ang laki kong tanga para hindi mapansin yung mga signs na obvious na isinasampal sa aking may mali at dinaramdam sya. Pero hindi ko man lang yon napansin and worst pinag-isipan ko pa sya ng masama.

Ang sama-sama ko dahil nagawa ko pa syang iwan kahit may pinagdadaanan na pala syang hindi ko man lang alam, feeling ko wala akong kwenta. At hindi ko deserve ang mga sakripisyo ni Gino para sa relasyon namin.

Ang gusto ko lang ngayon ay samahan sya at alagaan.

"What about your child, huh?" mom said

"My gosh Alona, isipin mo naman may dinadala ka dyan sa sinapupunan mo! Hindi yung padalos dalos ka sa mga desisyon mo"

"But mom," i protested

"No more buts, you will stay here in your room at hindi ka sasama sa kanya"

"Mom!, alam mo naman na kailangan ako ni Gino ngayon diba? Bakit ang unfair nyo, ni hindi nyo man lang sinabi sa akin na may dinadala na palang ganon yung fiancé ko."

"That's for your own sake and for my grandchild's' safety"

"But you should have told me,"

"Sorry okay? Hindi ko naman alam na aabot sa ganito eh. Gino told me that he wants to tell you himself nung nagkausap kami. Sorry okay, pero sana naman anak, isipin mo yung makabubuti sayo at sa anak mo" Mom softly said 

"I feel so stupid and useless, mom," I said as I wipe my tears.

Lumapit si mommy sa akin at niyakap ako.

"Shhhh... don't say that. It was Gino's decision to hide it from you. You shouldn't blame yourself. Sige na mag pahinga ka na, makakasama yan sa baby mo" she said

Umayos ako sa pagkakahiga and watch mom as she leave my room. Nang maisarado na ang pinto ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig sa kisame habang pilit na pinupunasan ang mga luha na hindi maubos-ubos sa pag-bagsak.

"G-gino..."

Humakbang ako patungo sa kinaroroonan nya to confirm kung talaga bang sya yung nakikita ko. And when I'm just a few feet away from him, he shifted his gaze in my direction.

Agad syang napatayo, na nakatingin pa rin sa akin.

He looks so pale. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. While he's just looking at me na nakakunot pa ang noo at magkasalubong ang mga kilay.

Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nya. Ng isang hakbang na lamang ang nasa pagitan namin ay tumigil na ako saglit. Nakatitig lamang sya sa mga mata ko.

"Ikaw ba talaga yan, A-alona?" he hesitantly asked

Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang itinataas ito. He cupped my face with his left hand.

Tango lamang ang itinuran ko sa kanya when he suddenly pulls me para hagkan.

"I-I'm not hallucinating. I...I missed you, so much," he said na ngayon ay umiiyak na then he embraced me

The Lost SparkWhere stories live. Discover now