Chapter 6

8 2 0
                                    


"Where should I place this?''

Abala ako sa pag display ng painting na isa sa mga dati kong masterpiece na nasa kwarto ko lang naman sa bahay ng parents ko. Naisipan ko kasing dalhin ito dito sa bahay namin ni Gino. And I am also planning on making more paintings, lalo na tuwing wala naman akong gagawin.

Dahil kasi sa mga nangyari noong mga nakaraang araw na halos lamunin na ako ng kalungkutan dahil halos wala akong magawa kung hindi ang mag overthink ay naisipan ko na maybe I can do some painting just like before to ease my boredom.

I just realize that the passion of mine is really attached to my personality, para narin maiwasan ko ang maging malungkot.

Nang mailagay ko na ang isa sa mga paintings ko noon ay dumiretso ako sa study room at iniayos ang mga gagamitiin ko sa pag gawa ng bagong piece.

A smile flashed into my face the moment na mahawakan ko ang paintbrush set na ibinigay ni Gino noong nakaraang araw.

"Youre going to paint?'' he ask ng makita nya ang canvas na in purchased ko at nilapag sa study room habang may ginagawa sya sa lamesa nya na mga paper works.

"Uhmm, yeah," I said

"Matagal na kitang hindi nakitang nag paint, ah!. Nakakapanibago lang"

I just shrugged my shoulder at him.

"That's good!" he suddenly said when I am about to step out of the room.

"Good?" I ask

"You going back to your painting" he said na bahagyang iniangat ang kanyang tingin sa akin. He just smile at bumalik na sa pag pipinta.

Napa ngiti na lang ako dahil akala ko ay ayaw nya ang gagawin ko. Sa apat na taong magkasama kami sa iisang bahay ay ni minsan hindi ako nag pinta, para lamang maasikaso ko sya. Dahil alam ko na once na mag umpisa akong mag pinta ay baka mawalan ako ng oras para sa kanya.

Lalo pa akong naenganyo na mag pintang muli ng umuwi sya one day na may dala ng set of paintbrush na nagging dahilan para mamotivate ako.

Pero dahil narin siguro ito sa mga realization ko this past days na kailangan ay may mga bagay parin akong itira para sa sarili ko. Para sa oras na mag-isa lang ako ay may buhay parin ako na maipag-papatuloy.

One week na ang nagdaan, the first week of the year. Kaya naman balik trabahoo na si Gino. At madalas nanaman akong mag isa dito sa bahay. Good thing may babies are with me.

If before I feel so lonely every time na naiiwan ako sa bahay ngayon ay hindi na. Because my babies are just with me. I am actually talking about my painting materials. Hahahah. Hilarious!. To think of them as my baby made me chuckle.

I am working on my new piece na gusto kong iregalo kay Gino kahit na walang okasyon. It's an abstract version of our hand while holding the sparkles as it shines. I can still picture that scenery in my mind, kaya naman naisipan kong ipinta ito para magsilbing alaala namin ni Gino ng gabing iyon.

A knock on my door made me stop as I am about to make a stroke using the paintbrush na ibinigay ni Gino.

"Alona!" it was my mom's voice.

Lumabas ako ng study room while trying to wipe the paint na nasa wrist ko . Sinalubong ko sila ng ngiti ng makita ko sila na kapapasok lang sa living room. I hugged them ng makalapit ako sa kanila.

"Mom, Dad. Napadalaw po kayo?" I asked after I gestured them to sit on the sofa.

"Bawal ka ba naming bisitahin. And also, umalis ka ng bahay noon without telling me" dad said.

"Dad! I already told you the reason. And isa pa, ang tagal na pong issue yan, move on na po dad!" I said na natatawa pa dahil nag pouty lips pa si dad. He really is nagtatampo sa akin.

"Stop that look! Robert you're not a kid" my mom hissed at dad na hinampas pa ng mahina ang kaliwang braso nito.

"Ouch!, Alona my princess, your mom's bullying me!" my dad rant which made me laugh at the scene of them. Habang si mom ay napailing na lamang.

"What do you want to drink po? coffee, juice, tea, or just water?" I asked

"Oh! Don't bother princess, we just came here to tell you that we're leaving"

"Leaving?, where are you off to?" I said medyo nasanay nadin ako sa mga magulang ko na lagging umaalis. Minsan ay bakasyon ang pinupuntahan nila minsan naman ay may mga business trip si dad at lagi nyang kasama si mama.

" We're going to LA for some business. And also to have a vacation after" my dad said.

"Okay," I said as I smile at the sight of my parents who are obviously inlove with each other. Even if they've been together for a long period of time, their affection and the way they treat each other still remains.

"Baka magtagal kami ng two weeks doon anak. One week for the business and the other week ay bakasyon. We're going to attend the wedding of my classmates' daughter Katalina, you remember her?" my mom said.

"Katalina's getting married? Please send my congratulations to her" I said with an amused face. Kilala ko si Katalina dahil just like me she's also into paintings kasama ko sya dati sa ibang workshops, and she even became my blockmate for a semester, and also tuwing may event sa bahay ay madalas invited ang mga friend ng parents ko and usually ay kasama nila ang mga anak nila na ang iba ay ka age ko lang just like Katalina.

"Yeah, naunahan ka pa nga nya eh!" my dad teased.

That made me silent. Yeah!, naunahan pa ako. Medyo nalungkot ako dahil sa thought na iyon. Masyado na ba akong napag iiwanan?. Sa mga kaibigan ko ay kasal na sila Mica at Bea while Eunice is getting married next month.

Isang mapaklang ngiti lang ang napakawalan ko dahil sa itinuran ng aking ama.

Hindi nakatakas sa pangingin ko ang pagsiko ng mahina ni mama kay papa dahil sa napansin nya ang biglang pag lungkot ko.

"Ay sorry!. Pasensya ka na anak. Gusto ko lang kasi na pati ikaw ay ikasal na. Bakit ba kasi ang tagal nyo ng nagsasama ni Gino ay hanggang ngayon hindi ka parin nya dinadala sa harap ng altar. May plano pa ba syang pakasalan ka?" my dad said in a serious tone but still in a soft way.

"Dad, hindi pa po kasi sapat yung ipon namin ni Gino. Pero baka before this year ends ay magpakasal na po kami" I said sounding so hopeful.

"Bakit kasi hindi nyo na lang tanggapin yung offer namin na sasagutin na namin lahat ng wedding expenses nyo" dad insist

"Dad!, I already told you before that Gino wants to earn his own money na magagamit para sa kasal. But don't worry po. 'Cause before this year ends ay sigurado po akong well get married. Nakapag ipon naman na po ng sapat si Gino eh. And this year po ang nasa plan po namin." I said sounding so hopeful.

"Okay, okay!. I'm just making sure na pakakasalan ka talaga ng lalaking yon" he said

After that ay sumingit si mama sa usapan para mawala ang namumuong tension sa hangin. At nag paalam na rin sila dahil isang oras na lang ay flight na nila.

Naiwan ako sa bahay na nag-iisip pa rin tungkol sa pinag-usapan namin kanina. Sigurado naman ako na pakakasalan ako ni Gino, dahil pangako nya iyon sa akin. And I'm holding tightly to his promise.

Napabuntong hininga na lamang ako saka tumayo at isinara ang pintuan bago pumasok sa study room and resumed on painting.

The Lost SparkWhere stories live. Discover now