Chapter 11

13 2 0
                                    


"Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal." -Richard Puz

"So it's true when all is said and done, grief is the price we pay for love." -E.A.Bucchianeri

...

"Bakit ngayon ka lang?"

Ang tanong na iyon mula sa taong dahilan kung bakit tila nag luluksa ako ngayon ang sumalubong sa akin pagkatapak ko sa loob ng bahay.

Gino's sitting on the sofa as he stare on the floor and his right hand clasping his forehead.

I just continue on staring at him. Walang balak na sagutin ang tanong nya sa akin.

Nag angat sya ng tingin sa direksiyon ko at kunot noo akong tinignan mula ulo hanngang paa.

"Anong nangyari sayo?"

"Nahulog"

Agad syang tumayo at saka lumapit hanggang sa tapat ko.

"A-ayos ka lang ba? may masakit ba sayo?"

He tried to reach for my elbow, ngunit sinadya kong iiwas ang sarili ko mula sa hawak nya.

Hindi ako tanga para malimutan kung anong nakita ko kanina, nang dahil lang sa nakita kong nag-aalala sya ngayon para sa akin.

Pero siguro nga may pagka tanga rin ako sapagkat ng dahil sa kanya ay halos mawalan na ako ng buhay hindi lamang isang beses kundi dalawa.

Siguro nga ay mukha na akong nasiraan ng bait kanina.

Sinong matinong nilalang ba naman kasi ang puro putik na maglalakad sa kalsada. Ang hirap talagang mahulog, lalo na sa maling lugar, espasyo o maging sa tao.

Ayos naman kami ah!. Pero bakit kailangan mayroon pang iba?. Ayan tuloy sa sobrang pagkalugmok ko ay nakahanap din ako ng iba kung saan ako mahuhulog. Yun nga lang ay sa kanal sa labas ng village. Lintek na bus naman kasi yon, hindi ko man lang namalayan na lumampas na pala ako at hindi lang basta lumampas dahil umabot ako sa kabilang bayan, hindi manlang ako sinabihan nung kundoktor.

"Alona! ano bang nangyari sayo?"

Napa balik na lamang ako sa katinuan dahil sa biglang pagtaas ng boses ni Gino.

"Kanina pa kita tinatanong pero tinititigan mo lang ako."

"Maliligo lang ako" I said at saka bagsak ang balikat na nagtungo sa palikuran para maalis ang hindi kaaya ayang amoy na feeling ko ay dumikit na sa balat ko.

Naligo lamang ako at saka nag bihis na ng pan tulog dahil balak kong dumeretso sa pag tulog dahil sa pagod.

Tired physically at pati narin ang pagka pagod ng utak ko dahil sa pag-iisip na so far wala namang magandang naidulot sa akin.

"Kumain ka na"Gino said ng pumasok sya sa kuwarto namin.

"Matutulog na ako"

"Ano ba Alona, wag ka ng mag inarte!.Nagluto ako para sayo tapos hindi mo papansinin" 

Bakit ba ang init ng ulo ng taong ito?. Dapat nga ako yung nagagalit ngayon.

"Pagod ako" I said at saka na upo na kama at inayos ang comforter.

I suddenly stop fixing the comforter because of what I heard.

"Pagod?, saan naman? o dapat ba kanino?" he asked 

Napatingin na lamang ako kay Gino, Ako pa nga ang pag hihinalaan nya. Ako ba yung may kasamang iba. Ako ba yung may hinalikang iba?

"Hindi ka naman nahuhuli sa pag-uwi ah. At tinawagan ko si Mica, kaninang alas tres pa daw noong nag hiwahiwalay kayo. Tapos ikaw ni anino mo wala pa rin. Anong oras na ba Alona!"

Ipinag patuloy ko na lamang ang pag-aayos ng kama bago nahiga sa rito.

Pero lintek naman. Parusahan na ako ng diyos dahil sa sobrang pagka inis at irita ko ngayon pero hindi ko na talaga kaya. Konting konti na lang ay gusto ko ng isumbat sa kanya lahat ng sakit at lahat ng dinadamdam ko dahil sa kanya.

Biglaan nyang tinanggal ang comforter na nakabalot sa nakahiga kong katawan.

"Ano ba!" I said in an almost shouting voice dahil sa pagka irita.

"Matutulog na sabi ako!. Kung gusto mo ng kasamang kumain edi yayain mo yung babae mo!" I said at saka hinablot pabalik ang comforter.

"So ako pa yung may babae?. Alona ano ba yang sinasabi mo?"

"Tsk!"

"O baka naman ikaw ang may iba kaya late kang umuwi" he said.

Great! just great, ako pa nga yung may iba.

"Saan ka ba talaga ng galing?" he said now in a calm voice.

"Naglakad lakad" I said stating the truth kasi nag lakad naman talaga ako.

"That's bullshit!"

"Stop your lame excuses and tell me already Alona!. I waited for you. Nag alala ako thinking something bad might happen to you. Tapos i-dadahilan mo sakin na kaya ka late umuwi dahil nag lakad lakad ka?. Alona naman"

"Atleast ako nag lakad lang walang kahalikang iba" I said in a controlled tone.

Ewan, gusto ko syang asarin dahil at least now alam na nya ang feeling ng pinag hihintay at gusto ko rin syang sigawan at tanungin kung sino yung babaeng yun kanina.

He was caught off guard because of what I said.

"A-ano?"he said na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Sino yung babaeng yon? Great choice by the way. A doctor huh?"I said na mababakasan ng pait ang tono ng pananalita.

"Kaya pala...kaya naman pala" I said as I also nod my head in a slow pace while looking at him.

Pero ni kahit anong salita ay wala akong narinig sa kaniya.

It seems to look like tama nga ang tinuran ko. Dahil kahit anong pag kontra ay wala akong narinig mula kay Gino.

Nahiga na lamang ako at tinabunan ang sarili ng makapal na telang kanina ko pa hawak at ngayon ay nalukot na dahil sa higpit ng pag kapit ko rito.

A grin flash on my face as a tear escapes my eye. I may be crazy right now. Nakakabaliw nga talaga ang pag-ibig.

Nakakainis!

Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto at ang kasunod na pag sara nito.

And by that, tuluyan ng bumuhos ang mga luhang nag uunahan sa pag bagsak sa aking mata. Mga luhang kanina pa gustong kumawala na ngayon ay nakahanap na ng dahilan para lumabas at maging ebidensya ng lungkot at pagka-dismayang nararamdaman ko.

Totoo nga na ang pag-ibig ay may kalakip na pighati. Ngunit ni minsan hindi ko inasahan na masasaksihan at mararanasan ko ito. Dahil sa tagal ng pag sasama namin ni Gino ay ni minsan hindi ko naisip na luluha ako ng ganito.

Mga luhang sana ay kayang dalhin palabas mula sa aking sistema ang sakit na hindi mag tatagal ay sa tingin koý magiging sanhi ng lubos kong pagka lugmok.

Because right now, I think a new spark arrives. A spark na tila mas maliwanag pa sa akin at naging dahilan para unti unting humupa ang liwanag na dati ay pinanghahawakan ko.

The Lost SparkWhere stories live. Discover now