Chapter 12

12 1 0
                                    

"Don't cry when the sun is gone, because the tears won't let you see the stars." -Violeta Parra


°°°


Cool colors added to the mood I want to portray on my canvas. The lines in it show how careful I am while applying it. A memory to be treasured, I am almost done painting the symbol of our love.

But it was like, your spark was giving up just before I finished painting it.

After the last stroke of the brush, I stare at the result.

The painting looks so calm, but it has that intensity of grief. It used to be a happy painting. But as I continue polishing it, it turns gloomy and sad.

Magkadikit ang mga kamay namin at kita sa larawan ang liwanag na nagmumula sa mga hand sparkles na hawak. Ngunit ang liwanag na dala nito ay hindi sapat para masinagan ang buong larawan. Tila ba ang kisap na dala nito ay nakapag hahatid ng kirot sa sinumang titingin dito.

Para lamang itong estado ng pag sasama namin ni Gino. Unti unting napupundi ang liwanag na dating nagbibigay ilaw sa maganda at maayos naming pagsasama.

Ngunit ng dumating ang isa pang liwanag ay tila, lubusan ng nabura ang mga kislap na dating sa pagitan lamang namin dalawa.

Inayos ko ang mga gamit na nagamit ko sa pag pinta. Saka lumabas para mag ayos ng sarili. Matapos maligo, I started putting some life into my face by applying a light cosmetic just to hide the sadness that's lying beneath.

"I'll try. May meeting ako bukas" he said last night ng tanungin ko sya kung makakasama ba sya sa kasal ni Eunice.

Pero ano pa nga bang aasahan ko. Siguro dahil may katiting pa rin na pag-asang natira sa akin, na baka , baka sakaling magkaron ng milagro at sabihin nyang sasamahan nya ako.Kaya naman ngayon ay mag-isa akong pupunta.

The ceremony went na ang lahat ay may sayang mababakas sa mga ngiting naka balandra sa mga mukha.

Masaya ako para sa aking kaibigan, ngunit hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng pait at lungkot. Damdaming kailangan kong isantabi, dahil alam kong hindi iyon naaayon para sa kaganapang ito.

Sa reception ng kasal ay nagkakasiyahan ang lahat. Ngunit hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil nananahimik lang ako sa isang sulok. Umalis para makipag sayaw sila Mica at Bea sa mga asawa nila habang nasa gitna rin at sumasayaw ang bride at groom. Sana sinama na lang ni MIca si Xav para kahit papaano ay hindi ako mabagot.

"Can I have this dance?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at gulat na napatitig sa may ari nito."

"L-Lucas? my gosh!. Kailan ka pa nakauwi?"I ask the man who's standing before me and extending his hands towards my direction.

"Uh hmmm, can I delay the interview for now? Let's just dance first then I'll answer all your questions". He said confidently, something that is much like him.

"Grabe ka!, nakauwi ka na pala, bakit hindi mo ako sinabihan."

"Sorry, just busy with work," he said as we sway our body with the rhythm of the melodic music.

"Buti naka abot ako kahit sa reception lang ng kasal. At least may kasama ka" he said

"Uhmm, about that..." my words were interrupted by his

"Don't worry hindi ako mag tatanong" he said with a smile. "Buti pala nag attend ako, dahil kung hindi ay baka nabutas na ang upuan mo dahil buong event kang nakaupo. Kawawang silya" he said na umiiling pa at tila nanghihinayang talaga para sa sasapitin ng upuan.

The Lost SparkWhere stories live. Discover now