Chapter 14

6 1 0
                                    

I was planning on treating myself today. Plano kong lumabas at bigyan ng quality time ang sarilli ko. Siguro dahil na rin gusto kong makahinga man lang kahit na konti.

Weeks passed and ang cycle ng buhay ko ay wala pa ring nag babago. Kaya naman naisipan ko na ring gumala at lumabas kahit na ngayong araw lang.

Kahit mag isa lang akong pupunta ng mall ay okay lang, nasa trabaho kasi si Gino at kahit naman ayain ko yun ay hindi naman yun sasama. Laging excuses nya lang ang maririnig ko. Ewan ko ba doon sa taong yun, bumalik nanaman sya sa pagiging cold nya.

Papansinin lang ako pag dating nya tapos wala na, ni hindi na nga yun kumakain sa bahay eh. Tapos madalas pag-uwi ay pagod at natutulog agad. Naiinis na nga ako sa kanya dahil hindi na nya ako madalas pansinin.

I almost fell on the floor ng bigla akong mahilo. Eto nanaman, masyado ng napapadalas tong pagka hilo ko. One month na, pero hindi naman araw araw, kinakabahan na nga ako dahil sa nararamdaman ko eh. Siguro ay isasama ko na sa plano ko later ang mag pa checkup.

"Bakit ang sikip naman ata nito" I said ng isukat ko ang dress na susuutin ko sa pag-alis.

Kasya naman ito sa akin noong nakaraang buwan ah? Noong sinukat ko ito bago bilhin. Pero bakit ngayon ay parang hapit na ito sa katawan ko? Tumaba ba ako? I stare into my reflection in front of the mirror, Hindi naman ako nag chubby cheeks, then yung braso ko ganon parin naman. Pero parang ang bulky ng sa may tummy ko at lumapad ata ang waistline ko?. Bakit naging visible ang puson ko? Controlled naman ang mga kinakain ko ah?

Controlled? These past weeks ay madalas akong mapili sa pagkain. Kung ano anong food ang incrave ko. Now that's weird.

"Hello, mom?" I called my mom

"Alona?, hey what is it, sweetie?" she said in a groggy voice. Kagigising lang siguro.

"Sorry nagising po ba kita?"

"No, it okay sweetheart, tinanghali lang talaga ako ng gising. Why did you call early in the morning? That's so unusual of you. Dapat tanghali pa ang pag tawag mo diba, napaaga ata" she said na narinig ko pang humikab and then natatawa sa huling tinuran nya.

Yeah, I habitually called them every afternoon, ewan gusto ko lang. And para hindi ako ma bore and para may kausap ako. Pero madalas si mom ang kausap ko dahil si dad ay nasa trabaho.

"Mom, can I ask you a favor?"

"Anything," she said

"Can you make an appointment to Dra. Menes today?" I asked na mababakas pa ang takot sa boses

"Why, are you feeling not okay? I'll set an appointment immediately, do you want me to come with you sweetheart?" she asked sounding so worried, mom will always be like that, and that's what I love about her.

"No need mom, I can handle it na po, just inform her po that I'll go there to get a checkup," I said.

"You sure?"

"Yeah mom, it was nothing, okay, I just want to get checked that's all. You don't need to worry about something" I tried to convinced my mom that everything's okay. But it sounded like, it was myself that I am trying to convince not her. Ewan natatakot lang ako. And I don't want that feeling.

"Okay, just tell me if ever that you need something,"

"Okay mom, thanks and love you. I'll end this call na po"

"Wait!, what time will I told her?" she said, oo nga pala di ko nasabi.

"Maybe after this call po, may pupuntahan pa po kasi ako eh. Thanks mom" I said na natatawa pa. Na imagine ko kasi ang itsura ni mom ng pigilan nya akong ibaba ang tawag.

The Lost SparkKde žijí příběhy. Začni objevovat