Chapter 4

9 2 0
                                    


I had been waiting for Gino to arrive. It's December 24 already.

I look at my wristwatch to check the time. 10:45 p.m. What's taking him so long.

Kanina pa ako nag hihintay. Tapos ko na lahat ng preparation for tonight and kaninang alas quatro ng umaga pa sya wala.

I once again stare at the note written on a ripped paper. Mababakas sa bawat letra ang pagmamadali habang sinusulat ito, he's really that eager to leave, huh?. It was a note made by Gino who just left ng hindi ako sinabihan. Kaya nga may note Alona diba?. Gosh!, mababaliw na ata ako kahihintay kay Gino.

I just assumed that he has some emergency and that he doesn't want to disturb my sleep kaya nag iwan na lang sya ng note sa lamesa ng kwarto near on where I am sleeping. Pero nakakainis lang dahil ni hindi manlang nya ako tinatawagan.

'Love, just need to run some errand, be back soon'

A short note. Written in a sloppy manner.

Minutes passed. It's 11:00 pm and still, no trace of Gino, kahit anino nya wala parin. Nasaan na ba yung taong yon?. Isang oras na lang ay mag papasko na.

I once again, I tried to call him. Pero hanggang ngayon sa ilang ulit ko ng pag tawag sa kaniya ay walang sumasagot. Naririndi na rin ako sa ring ng telepono na walang sumasagot mula sa kabilang linya.

"Nasaan ka na ba kasi Gino?"

Tumayo ako mula sa inuupuan ko sa harap ng hapag kainan. At pumunta sa sala at naghintay katapat ang pintong nakabukas na hanggang ngayon ay walang Ginong dumaraan.

I can hear my neighbors' cheerful laughter. Ang saya naman nila. Samantalang ako kanina pa nag hihintay dito.

Ang liwanag sa labas dahil sa mga palamuting ilaw pampasko na dumagdag sa giliw na natutunghayan ko mula sa labas ng bahay. Mga bata na masayang nagtatakbuhan sa labas at ang iba ay umaawit ng pamaskong himig.

12:00 am. Christmas eve.

But still no Gino. I hopelessly went to the bedroom after I closed the main door.

With the tears running down on my face. Pumasok ako sa kwarto at naupo sa gilid ng higaan. Sa tanang pagasasama namin ni Gino, ito ang unang pasko na hindi manlang kami magkasama. And worst, ni hindi ko alam kung nasaan sya.

Hindi ko alam kung magagalit, magtatampo, o mag-aalala ba ako para kay Gino. Pero sana man lang ay nagsabi sya kung saan sya pupunta. Hindi yung ganito na wala akong ideya kung nasaan na ba sya.

Iniiyak ko na lang ang lahat ng nararamdaman ko hanggang sa makatulog ako. The first lonely Christmas ever.

Nang magising ako ng umaga ay iniayos ko lang ang mga inihanda ko kagabi na ni hindi ko manlang nakain. Inilagay ko sa tupperwear ang mga ito na balak kong dalhin sa bahay nila mama at doon na lang ipamigay sa mga kasambahay kahit na alam kong marami din silang inihanda para sa pasko. Para lang hindi ito masayang.

Nang matapos ako sa pag liligpit ay nag ayos naman ako ng sarili ko.

Habang nakaharap sa salamin ay mababakas ang mugto ng aking mga mata. Pilit ko na lamang itong itinago sa concealer at nag ayos ng kaonti para mag mukha naman akong disente at masaya ngayong araw ng pasko.

Concealing what lies beneath my heart huh, ang hirap lang magtago mula sa kalungkutan at pilit na magpanggap na masaya, kung obvious naman sa mga mata ko anglungkot na pilit kong tinatago.

Love as my happiness also becomes the cause of my loneliness and sadness.

"Okay lang ako, baka may mahalaga lang talaga syang pinuntahan" I tried to convince myself as I stare into the mirror.

The Lost SparkWhere stories live. Discover now